Chapter 9

5K 224 26
                                    

Wooot woot! 4K Reads na po tayo! Thank you po! Thanks sa pagsuporta ng story ko.

Next Goal: 10K Reads. Help me to reach this Goal please? But first lemme kiss you okay?

" = 3 = " Mwah!


*****


Clyte's POV


" Oh ano Clyte, ayos ka lang? Pagkalabas mo pa lang kasi, yung mukha mo parang may sinabi si Mam at may nalaman kang maaaring sagot sa spell ni Emerald. Kaso nga hindi mo naman magawa, kasi first kiss mo yun at syempre isa kang vir- " bigla kong tinakpan yung bunganga ni Risz na walang tigil.

" Shut up! " Pero teka, paano nya nalaman yun? Eh nakasara na yung portal at dalawa lang kami ni Mam ang nag uusap. " Teka! Paano mo nalaman yun? "

" Agdjeujsj- " sabay bitaw ko doon sa pagkakatakip sa kanya " Hula ko lang naman yun eh! Grabe ka naman! Halos hindi na ako makahinga! " sabi nya sabay siniringan ako at tumalikod.

" Huy! Galit ka ba? Sorry na Risz. " sabay punta ko doon sa may harapan niya.

" Hindi! " sabay tumalikod siya ulit. Parang timang kaming dalawa, kasi ikot ikot lang kami.

" Sus! Hindi daw. Ayieeee!! Tatawa na yan. " sabi ko habang kinikiliti ko siya sa may tiyan. Doon kasi yung weak point nya.

" Hahahaha! "

" Hindi ka na galit? "

" Oo na! Hindi ko rin naman kayang tiisin ka... Pero maiba tayo, totoo ba yung sinabi ko? " nakangiting sabi ni Risz habang naglalakad kami pabalik doon sa mga room namin.

Hindi na lang ako nagsalita, baka isipin nya pang tuwang tuwa pa ako.

Tinignan nya lang ako. Yung tingin na may kasamang ngiti hanggang tenga.

" A-anong tingin yan!? " Loko tong si Risz! Noong una kala mong inosente, mayroon rin pa lang kalandian to sa loob! Hahahaha

" Ikaw ah... Pakipot ka pa, eh gustung gusto mo naman! " sabay hampas sa akin sa likod " Sige na! Halikan mo na si Papa Seiji! Hahaha! " sabay mabilis nyang pasok doon sa sarili nyang room.

Hindi ko naman gustong halikan siya! Nagkataong kailangan lang! Pati... Pati... First kiss ko kaya yun! K-kaya kinakabahan rin ako.


*****


Pagkatapos kong makipaglokohan kay Risz ay pumasok na ako sa room ko.

Nag aayos ako ng mga gamit nung mga oras na yun. Dahil wala akong matinong kapangyarihan, naghihirap ako sa paglilinis ng sarili kong room. Bakit kasi kaya lang gawin ng kapangyarihan ko ay manira!

May nakita akong isang panyo, doon sa may sulok ng room ko. Mukhang hindi to sa akin, kaya kinuha ko to.

Tinignan ko at inamoy, hanggang sa...

" Sayo na yan. "

" Oh bakit? Bakit ka pa rin umiiyak? Masakit ba? "

" Ok lang yan. Ilabas mo lang para hindi na masakit sa susunod "

" Sorry Clyte kung ngayon lang kita naipagtanggol. Hindi ko naman kasi alam na ganyan ang ginagawa nila sayo. "

" Se***. Hinding hindi ko yan kakalimutan. Salamat uli! "


Ano yun!? Bakit nakita ko ang sarili ko na may kasamang lalaki? Aray!! Ang sakit!

Napahawak na lang ako sa ulo ko. Kasi biglang sumakit na to ng sobra sobra. Hanggang sa hindi ko nakayanan yung sakit at ako ay nahimatay...

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon