Chapter 23 - Wish Battle - II

2.2K 95 18
                                    

Wit wiw! Dahil wala raw kaming pasok bukas.. Andito nanaman si Author! Ang lakas nyo kasi sa akin @OtakuZone @supernova_rin Hahaha.

By next week po, ie-edit ko lang po 'yung ibang chapters nitong Affinity High. Para po ma-enjoy ng mga bagong readers at para hindi na rin po mapansin 'yung typos and errors.

Siguro nagtatanong kayo, ano ba pakialam namin Author? Ang sagot d'yan ay wala. Dahil hindi nyo pinansin 'yung mga typos and errors ko sa mga nakaraang chapters.

Nandito kayo, nakaabot hanggang dito sa Chapter na ito. Thank you and thank you.

Bakit ba ako nagdradrama? Kasi po sa tingin ko lang po hindi ko na po kayang pahabain ang AH. Idederetso ko na po ito kung saan dapat mapunta talaga 'yung story.

'Wag kang malulungkot. May bukas pa. Matagal tagal pa tatakbuhin nito haha...

*****

Clyte's POV

Napangiti na lang ako sa aking narinig. Kasama ng mga sigawan nila, unting unting nanlambot ang aking binti. Naubusan na ako ng lakas.

"Clyte, ang galing mo." Isang napaka-gandang boses na aking narinig dahilan upang ako ay magising.

Habang unting unti kong minimulat ang aking mata, naaaninagan kong nakatayo at nakangiti sa aking harapan sila Melody at Blake.

Wala na silang sugat o kahit isang galos sa kanilang katawan. Marahil nagamitan na sila ng healing magics.

Lumingon lingon ako sa paligid. Tumingin tingin ako sa tabi nila Melody at Blake. Pero wala siya.

"Bakit Clyte?" tanong ni Blake.

Itatanong ko sana kung nasaan si Risz kaso na-realize ko na ako pala ang may kasalanan. Gusto ko na rin sana mag-sorry sa kanya.

"Si Risz ba?"

Umiling iling agad ako "H-hindi ah! M-melody, B-blake.. Sorry kanina ah.."

"Ok lang 'yun Clyte! Alam naman namin na may dahilan ka kaya lumalaban ka." nakangiting pahayag ni Melody.

"Kung si Risz ang hinahanap mo, kakapanalo niya lang kanina kaya nagpapahinga na siya ngayon." biglang nagbago ang mood sa kanyang mga mata. Para siyang nag-aalala.

"Pero Clyte, kailangan mo na mag-seryoso. Magiging kalaban mo si... Risz. "

Napatigil na parang bato ang aking katawan sa aking narinig. Hindi dahil sa kinabahan ako, kung hindi ayaw ko ng masaktan ulit si Risz.

Natatakot akong baka magkaroon pa lalo ng lamat ang aming pakikipagkaibigan. Ayaw ko na mawala rin siya katulad ni Seiji. Natatakot akong mapag-isa.

Dahil na rin siguro sa tension, namamawis ako ng sobra. Medyo nanginginig na ako sa kaba at takot.

"Clyte? Bakit!?" nag-aalalang tanong ni Blake sabay madaling lumapit sa akin.

Nagsisisi ako kung bakit nagalit ako sa kanila. Eh kung tutuusin, wala naman talaga silang kasalanan. Dapat nga sila Cy at Emerald ang sisihin dito.

"H-hindi ko kaya.." nauutal kong pahayag.

Hanggang ngayon kasi ayaw ko pa rin talagang labanan si Risz. Hindi pa ako handa para mawalan nanaman ng isang kaibigan.

Lumapit sa akin si Melody at niyakap ako. Nakaramdam ako ng kaginhawaan kahit paano. Tumigil na rin ang panginginig ko kaya medyo napakalma ako ng init ng kanyang yakap.

"Kaya mo 'yan Clyte. Alam kong hindi ka napapunta dito sa AH para matalo. Nandito ka para maipakita sa kanila kung sino talaga si Clyte Cabrera"

Dahil na rin sa napaka-ganda at nakaka-enganyo na boses ni Melody, kahit paano lumakas ang aking loob.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon