Chapter 2

8.5K 319 44
                                    

Clyte's POV

Kaya pala! Kaya pala siya nawala agad! Ano ba yan... Akala ko pa naman hinding hindi ko na siya makikita. Bwiset na tadhanang 'yan! Sarap pektusan sa lungs! Lagi na lang kaming pinagkikita.

Iba talaga 'tong si Seiji! Ilang araw pa lang s'ya dito, Famous agad! Grabe! Hindi naman ako sa naiingit pero... Hello? Pansinin n'yo rin kaya ako. Bago rin kaya ako dito katulad rin ng Seiji na 'yan!

Ano kayang charm magic ang dapat kong matutunan para ganito rin ako maging kasikat. Yung sikat na... 'Yung mga tao na ang magaalok ng kung anu ano sayo, magpapayong kung umuulan, magbibigay ng libreng food kapag gutom ka at magbibigay ng tubig kapag uhaw na uhaw ka, mga gano'n?

Haist... Clyte! Ano ba tong mga pinag-iisip isip mo! Napaka... Napaka,  napaka-ambisyosa mo! Never and ever na mangyayari 'yun.

Pati Clyte! Mukhang nakalimutan mo na ata kung ano ang tunay mong objectives sa school na 'to. Ang mag aral at para makuha yung Wish at hindi ang makipag-pasikatan kay Seiji.

"A-aray!" salitang narinig ko sa bandang unahan kasabay ng paghulog ng mga libro nya.

"Ayyy! Sorry! Nagde-daydream kasi ako.. Sorry Miss?" Nasabi ko na lang dahil sa hiya.

" L-Luna, Criszl Luna. S-sorry din,  'di rin ako natingin sa dinadaan ko. " pa-clumsy nyang sagot habang tarantang tarantang kinukuha 'yung nga textbooks nya.

Buti na lang Clyte! Mabait ang nabangga mo. Tss.. Clyte buti na lang mabait ang nabangga mo kung ibang tao 'yan.. Haist! Kahit bago ka pa lang dito, mapapalaban ka ng wala sa oras.

"B-bago ka lang dito Miss?" sabi ni Criszl na ngayon ay hawak hawak na 'yung mga nahulog na libro.

"Clyte, Clyte Cabrera. Oo bago lang ako dito, eh ikaw? Bago ka lang rin ba dito?" Nakangiti kong pagpapakilala sa kanya.

"Y-yeah." sagot niya

"Ahhh.. So parehas lang pala tayong bago.. Can we become friends?" sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya

"O-oo naman!. Simula kasi nang dumating ako sa school na 'to, wala pang tao ang kumakausap sa akin maliban sa mga teachers. Thank you Clyte!" Maluha luhang sagot ni Criszl

"Ako rin naman. Salamat din..  Pwede ba kitang tawaging Risz? As a BFF's nickname lang." nakangiti kong tanong.

"Oo naman Clyte." sabay punas doon sa may luha nya at nag shakehands kami.

Yes naman! Malakas din pa pala ako kay universe. Binigyan n'ya agad ako ng makakasama buong school year. At hindi lang basta kaibigan, isang mabait na kaibigan!

Since parehas kami ng room at parehas rin kaming bago sa school, sabay kaming pumunta sa may room namin.

*****

Pagkapasok ko ng room, nakita kong may mga pangalan yung mga upuan para sa Seating Arrangement.

Ok na sana kasi may kasama ko na si Risz kaso nasira na yung araw ko ng malaman kong kaklase ko ang Seiji "Famous na walang pake sa pagiging Famous" Galvez. At ang nakakainis pa napalayo ako kay Risz at napatabi pa kay Seiji! Aba'y matinde!

*Tumayo kami dahil nandyan na yung teacher namin.

"Good morning Mam!"

"Okay class, take a sit." Teacher

"Im Teacher Mae, your classroom magical teacher. Magkakasama tayo sa room na 'to hanggang sa maka-graduate kayo. I hope walang maging gulo sa room na 'to. " sabay kuha ni Mam ng wand nya sa may baywang. Ts.. Mukhang suplada pa ata si Mam.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon