Chapter 24 - Finals

2.3K 93 30
                                    

Sa mga nagbabasa d'yan ng Twisted Fate, 'di ko po muna 'yun ia-update 'yun. Tatapusin ko na po muna ang Affinity High.

Ito na mga readers! Kapit bisig tayo sa nalalapit na katapusan ng AH. I'm sad to say na matatapos na po ang AH, mga 5-10 Chapters pa naman.

Kaya... Ikaw! Yes you! Subaybayan po natin sabay sabay ang magiging buhay ni Clyte. Kasama siyempre ang kanyang prince charming na si Seiji.

So 'Wag na natin 'to patagalin.. Rak-rakan na!

*****

Clyte's POV

"From the world of dark magics, I cast thee--- " Tss.. Hindi pa ata ako aabot. Kaunting segundo na lang matatamaan na niya ako.

Kahit masakit, hindi na ako lumaban doon sa force at nagpadala na lang ako. Dahilan para ako ay lumayo para sa kanya.

"Dark Extinction!"

Dahil sa bilis ng Dark Extinction, hindi na nakaalis si Risz at siya ay natamaan. At dahil hindi ko na rin kinaya 'yung force sa aking harapan, nauntog ako sa may pader ng stadium.

Parehas kami ngayon na nakatumba. Sobrang sakit ng aking katawan. Hindi nanaman ako halos makagalaw.

Pinilit kong makatayo, lalo ng makita kong hindi masyadong nasaktan si Risz sa ginawa ko.

Ba't parang walang masyadong galos si Risz? Samantalang isa na 'yun sa pinaka-malakas kong spell. Masyado bang mahina ang kapangyarihan ko?

"Masaya na ako ngayon Clyte. Pwede ka ng manalo" Paika ikang lumakad papalapit sa akin si Risz. Hindi ako makalayo sa kanya kasi hanggang ngayon nakatumba pa rin ako.

"Risz... Paanong manalo? Samantalang halata naman kung sino ang talo ngayon..." Sabay turo ko sa aking sarili "Pwede mo ng tapusin ang laban na 'to Risz. Tanggap ko na hindi talaga para sa akin 'yung wish."

Nginitian ko na lang siya kahit masakit. Masakit dahil kailanman hindi ko na maibabalik si Seiji.

Hindi ko alam pero habang iniisip ko pa lang na matatalo na ako, lumuluha na ang aking mata. Kala ko magaling na at sapat na ang kapangyarihan ko pero... Hindi naman pala, mahina pa ako.

"Ano ka ba Clyte.. Bakit ka umiiyak?" sabay punas niya sa mata niyang lumuluha na rin. "'Yan tuloy! Kaw kasi eh.."

"Alam mo kasi Clyte... Kung titignang mabuti, ikaw ang mas may kailangan doon sa wish kaysa sa akin. Kaya..." Biglang may lumabas na sobrang liwanag na bilog sa kanyang kamay at unting unting inilapit sa kanyang dibdib.

"Anong gagawin mo Risz?!" Pinilit ko pa ring tumayo para pigilan siya. Kahit na gagamutin kami pagkatapos ng mga laban, natatakot akong gawin niya 'yung iniisip niya kasi... Mararamdaman niya 'yung sakit. At ang malala pa, maari siyang ma-comatose kapag sobrang sakit na ang kanyang naramdaman.

"Galingan mo Clyte sa susunod na laban ha.." Tumaas ang isa niyang kilay "'Wag na 'wag mong sasayangin 'tong sakripisyo ko ha.." Sabay pinasok na niya 'yung bola ng liwanag sa kanyang dibdib.

Napahagulgol na lang ako sa nakikita ko. Halos mabaliw na siya sa kakasigaw sa sobrang sakit. Hindi ko kayang tignan siya na nasasaktan.. Lalo ng wala akong magawa.

Pinilit kong tumayo kahit halos mabali na ang aking buto. Paika ika akong lumapit sa kanya at niyakap siya..

"B-bakit Risz!?" Halos hindi ko na kakayaning makita ko siyang ganito.

Bakit ba naman kasi ang daming nagsasakripisyo para lang sa kaligayahan ko? Bakit kailangang madami ang masaktan at maghirap?

"B-bakit? K-kasi bestfriend ki--" Hindi na niya naituloy ang kanyang sinasabi dahil nahimatay na siya.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon