Hi mga readers! Wala na akong masasabi eh. Hindi na katulad noong nakaraang chapters, ang daldal ko. Pero ngayon, wala talaga.
Umpisahan na natin 'yung story.
*****
Seiji's POV
Sana naman, sinunod na niya ako. 'Wag sana umiral ang pagka-matigas ng kanyang ulo. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa siya ang magdusa sa hirap.
Unting unti kong iminulat ang aking mata dahil nakarinig ako ng mga boses sa aking paligid.
"Nasaan ako?" Kinusot kusot ko pa ang aking mata para mas malinaw kong makita ang aking paligid.
Nakita ko sila Melody, Blake, Ma'am Adeline at si Risz na siguro ay nagising na. Bakit sila nandito? Ibig sabihin ba nito, naligtas na nila kami ni Clyte?
"N-nasaan si--" Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin, lumungkot bigla ang kanilang mukha at umiling si Melody.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Bakit ganito? Ano ba ang nangyari noong natutulog ako? Hindi pa ba sapat 'yung ginawa ko?
"P-pero.." Hindi ko namalayan, tumulo na ang luha sa aking mata.
Lumapit sa akin si Ma'am at hinimas himas ang aking likod.
"'Wag kang mag-alala Seiji, sandali lang 'to. Alam kong hihintayin n'ya tayo. Alam kong matatag si..." Hindi na niya natuloy ang kanyang sinasabi. Tumulo na parang bukas na gripo ang kanyang luha.
Sabagay, kung ako nga nasasaktan. Paano pa kaya ang nararamdaman ng isang magulang?
Tumayo siya at pinunasan ang luha sa kanyang mata. Tumapang bigla ang kanyang mukha.
"Hinihintay lang kita magising, Seiji. Kailangan ka namin. Kailangan ka ni Clyte." pumunta siya doon sa may pinto at inikot ang doorknob.
"Pinipigilan ko lang 'to mangyari pero... Maghanda na kayo! Hindi 'to magiging madali pero, iuuwi natin si Clyte dito!" sabay labas niya doon sa may pinto.
Nagkatinginan kami sa isa't isa. Mukhang nagkaka-intindihan kung ano ang iniisip ng bawat isa.
"Para kay Clyte?" Excited na tanong ni Blake sabay lapag niya ng kanyang kamay sa ere.
"Para kay Clyte..." Inilapag ni Melody ang kanyang kamay doon sa kamay ni Blake.
"Ts... Hindi pa ako nakakabawi sa'yo Clyte. Kaya..." Inilapag na rin ni Risz 'yung kanyang kamay doon sa kamay ni Melody. "Pupunta ako d'yan Clyte... Hintayin mo lang kami."
Tinignan nila ako ng masama.
"Bakit?" Tanong ko. Nagtanong na lang ako kunyari, kahit alam ko naman 'yung sagot.
Nakakatuwa lang kasing isipin na nandito silang palagi. Hindi nila iniwan si Clyte. Ang swerte mo talaga Clyte..
"'Yung kamay mo.." Tinuturo ng nguso ni Risz 'yung kamay ko at kamay nila. Tinawanan ko lang sila.
"Oo na, oo na... Para kay Clyte.." Sabay lapag ko na rin ng kamay ko doon sa kamay nila.
"5...4...3...2...1--"
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...