I dedicate this chapter to Ate Sheena Dee for helping me to plug this story. Thanks Ate ♥!
Kayo rin po! Kung lang ha. Kung enjoy nyo naman po tong story, pwede po patulong mag-share at mag-plug. Lets share the enjoyment and good vibes XD
*****
*After The Magic Battle*
Clyte's POV
*Flashback*
" Clyte, ayos ka lang? " sabay bigay ng kamay ng kaklase kong lalaki sa akin. Nadapa kasi ako, dahil hinahabol ako nung mga babaeng taga ibang section. Sila yung may crush kay Brent.
" Ok lang ako, salamat. " sabay tanggap doon sa alok nyang pagtulong " Teka! Nandiyan pa ba sila? "
" Sila ba yung mga babaeng tumatakbo doon? " sabay turo nya sa may canteen. Tinignan ko naman at...
" Oo sila nga. " sabay lakad ko papunta sa room namin. Sinundan nya lang ako. Alam kong kaklase ko siya pero, hindi ko alam yung name nya eh. Siya kasi yung tipong parang multo sa room.
" Ahhh... Ganoon ba? Sorry kung manghihimasok na ako, pero bakit ka ba nila hinahabol? "
" Wala yun! " sabi ko habang nakangiti. Nararamdaman ko kasing iba siya sa mga lalaking nakapaligid sa akin. Nararamdaman kong iba yung malasakit nya para sa akin. " Ok lang ako, wag mo na ako alalahanin. "
Nakarating ako doon sa may pinto ng room namin. Naabutan kong nakatingin yung mga kaklase ko sa akin pwera sa BFF kong si Melody at si Blake. Nakangiti sila. Yung mga mukha na pinipiglang tumawa. Wala naman akong alam kung ano ang nangyayari, kaya daredaretso akong pumasok hanggang sa...
" Eeeww!! Ano to!? " Gulat na gulat na sabi ko habang pinupunasan yung malagkit na slime na nahulog mula sa taas.
Pumunta halos lahat ng kaklase ko sa akin at pinagtatawanan ako.
Pagpasok ko pa lang kasi dito sa school, binubully na nila ako. Araw araw punung puno ng basura at death threats ang locker ko. Ako ang naiiwan sa room para mag linis ng lahat... Mag-isa. At higit sa lahat, laging may nangyayari sa aking kamalasan kapag napasok ako sa room. Kinukuha nila ang mga gamit ko. Kung hindi kinukuha, sinisira. Nagtataka na nga sila mama. Pero hindi naman ako nag susumbong sa kanila, alam ko kasing mag aalala sila. Alam ko kasing lahat ng nangyayari sa akin ay sadya.
" BAGAY LANG YAN SAYO! " sabay bato sa akin ng mga crampled paper.
" HAHAHAHAHAH! "
Umiyak na ako dahil sa takot at hiya hanggang sa...
May humila sa kamay ko... Parang ito rin yung kamay na tumulong sa akin. Malambot at may pagkabasa ng kaunti.
Nakarating na kami sa may garden ng schook, pero hindi ko pa rin nakikita yung mukha niya. Dahil siguro sa luha na nakatigil sa mata ko.
Tumigil kami sa pagkakatakbo...
" Ok na ang lahat. " saboy abot s akin ng panyo nya.
Kinuha ko naman to at pinunas sa mga mata ko. Ang bango at ang linis ng panyo nya.
" Sayo na yan. " nakangiting sabi niya. Siya nga. Siya yung kaklase kong tumulong sa akin.
Kahit tapos na ang pang bubully sa akin, hindi pa rin tumitigil ang pag tulo ng mga luha ko. Mga tear of joys. Siguro dahil sa overflowing na emotions na to. Masaya lang ako na may taong nag lakas loob na tumulong at ng bigay ng makakapitang kamay para sa akin.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...