Chapter 25 - Gift of Knowledge

2.3K 91 16
                                    

Yow! Sinisipag si Author ngayon dahil sa magaganda at nakakaganang comments. Sana ganito 'yung ibang readers.

Ang demanding ko. Pero bago ang lahat... May babatiin lang ako sa katauhan ni..

Seiji's POV

Hello sa inyong lahat.. Alam kong wala ako sa nakaraang chapters at dahil 'yun kay Author. Salamat na rin sa kanya, ayaw ko kasi sa exposure kagaya ngayon.

So 'yun na nga...  Yow Anna! Do you want to build a snowman? Dahil isa ka sa mahilig magtanong kung may-UD na ang AH.. Ako na mismo ang magpapasalamat sa'yo.

Maraming maraming salamat sa pagbabasa, Anna Rose Gonzales. Kiss gusto mo? Joke! Baka masunog ka pa ni Clyte ng wala sa oras. Hindi mo pa malaman kung ano ang mangyayari sa amin.

Sa inyo rin, maraming maraming salamat..

*****

3rd Person's View

Tuwang tuwa na nakatingin sila Emerald at Cy sa katawan ni Clyte na ngayon ay nakahandusay.

Nagwawala na halos ang mga audience dahil sa kadugaan na nangyayari sa Wish Battle. Wala namang magawa si Adeline dahil wala na rin siyang lakas. Samantalang halos mapaos at mahimatay na rin sila Blake at Melody.

Pero kahit anog pilit nilang sira rito, ay 'yun naman ding tibay at kawalan ng sira nito.

"Kawawang mga nilalang.." Napangiti na lang si Cy kasama na rin sila Cox at Emerald. Tumalikod sila at handa ng kunin 'yung wish stones na nakalagay lang malapit sa announcer. Pero hindi pa rin naman sinisira 'yung shield kasi alam nilang magkakagulo.

Akala nila tapos na ang lahat ngunit habang papalapit na sila doon sa announcer ng... Biglang napuno ng liwanag ang buong stadium.

Naipalagay na lang nila ang kanilang kamay sa kanilang mga mata dahil sa sobrang silaw. Hindi nila alam ang nangyari pero may nararamdaman silang isang malakas na kapangyarihan.

Inilingon nila ang kanilang paningin sa kanilang likuran at unting unting tinanggal ang kamay sa kanilang mata. Gulat na gulat sila ng makita nila si Clyte na nalutang.

Kung titignan mo si Clyte ngayon ay mabubulag ka talaga. Mabubulag ka dahil sa liwanag na bumabalot sa kanyang katawan.

"Nag-umpisa na." nakangiting pahayag ng Mama ni Clyte.

Masaya siya dahil hindi sila masasaktan kasama ng mga tao sa labas. Dahil nga may shield. At syempre, sila Cy lang ang makakaramdam ng galit ni Clyte.

Wala sa kaalaman nila Cy at Emerald, nagising o na-activate ang kapagyarihan na ibinigay ng Mama ni Clyte. Kaya hindi na makagalaw ang Mama niya, dahil ibinigay niya na rito halos ng kanyang kapangyarihan.

Lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa bagay bagay at lalo na tungkol sa light and white magics. Mga magics na naipagbawal na noon.

Hindi na rin makapagsalita sa gulat sila Blake at Melody sa nakikita. Parang hindi na kasi si Clyte ang nasa stadium kung hindi para ng isang halimaw. Halos kasi lahat ng madaanan nito ay nasisira.

Namumuti na sa liwanag ang kanyang mata. May pakpak na gawa sa liwanag ang nakakabit sa kanyang likuran dahilan para siya ay makalipad.

"A-anong tinitingin tingin mo diyan!? Mag-cast ka na ng charm spell mo para matigil na 'tong kalokohan na 'to!" Tarantang tarantang utos ni Cy kay Emerald. Malapit na kasi silang atakehin ni Clyte.

"O-Oo!" Sabay cast niya ng charm spell niya. Tinamaan naman si Clyte. Pero imbis na ma-inlove kay Emerald, lalo itong nagalit at mabilis na lumipad kay Emerald.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon