Clyte's POV
Nandito kami ngayon sa may likuran ng school. Tinuturo 'yung mga basics kanila Melody at Blake. Hindi na kasi natuloy 'yung paghahati namin sa dalawang grupo kasi naalala namin kailangan pa nila ng magkasabay.
Lumapit ako kay Blake at pumunta sa likod niya. Hinawakan ko 'yung kanyang kamay.
" My love... " I said in a sexy voice. Titignan ko ulit kung mag-rereact to si Seiji. May pagka-seloso kasi tong lalaking to.
" M-my love!? " gulat na gulat na tanong ni Blake.
Ts.. Kung yung isa seloso, ito naman mahilig mag-assume. Wala akong gusto sa'yo Blake. Seriously.
" Makisama ka na lang " bulong ko sa kanya sabay nguso ko papunta sa direksyon ni Seiji. Si Seiji na kating kati na sa pinag-gagawa ko
Tumingin sandali si Blake kay Seiji at napabuntong hininga.
" Ts... Ok. " Mukhang na-gets niya naman...
" Sa Affinity High, kailangan mo ng partner para mag-cast ng spell at syempre, para mapalakas ito. Pero dahil special students din kayo katulad namin, kaya nyong mag-cast ng spell without a partner. " sabay hawak ko doon sa kamay ni Blake.
Napalunok na lang si Blake sa ginawa ko. Yung totoo? Masyado ba talaga akong maganda para kabahan lahat ng lalaking mahawakan ko?
" Para magka-partner, kailangan mong makipag-contract sa isang babae " Tinignan ko siya sa may mata at ngumiti " Gusto mo ba akong maging partner, my lo---? "
Hindi ko natuloy 'yung sinasabi ko ng makaramdam ako ng sobrang lamig sa aking kamay. Nakita kong biglang nag-yelo ang buong katawan ni Blake. Shocks!
Tinignan ko si Seiji. Siya lang kasi ang pwedeng gumawa nito.
" T-tigilan nyo na yan! " Inis na inis na sabi ni Seiji.
Why you're so KJ? Pati si Blake na walang kamalay malay, ginawa pang yelo. Poor Blake...
" Tss.. " sabay baling ko ulit kay Blake at nag-cast ng spell " Ignite! "
" Geez! Ang lamig... Anong nangyari Clyte? " Sabi ni Blake habang yakap yakap ang sarili sa sobrang lamig.
Sinamaan ko lang ng tingin si Seiji para malamang hindi na dapat niya ulitin yun. Awtomatikong tumango siya sa akin bilang sagot.
" M-malamig? Hindi kaya! Imahinasyon mo lang yun... " sabay pakita ko sa kanya ng kamay kong parang may hinahawakan.
" Gayahin mo ako... Isipin mong may hawak kang papel. "
Tinignan niya lang ako...
" Gawin mo na! " sigaw ko. Hindi na siya nakasabat at ginawa naman yung absolute kong utos.
Nagulat siya sa nakita. Muntikan na nga niya maibato pero napigilan ko naman agad. May bigla kasing lumabas na contract paper.
" Ayan ang tinatawag na contract paper. " Lumapit ako kay Melody at inilapit kay Blake. " Since may partner na kami ni Risz, si Melody na lang ang gawin mong partner. Magiging malakas 'yung power nyo kasi malakas ang bonds nyo sa isa't isa. Sayang naman kung mababaliwala. "
Itinuro ko yung hawak niyang contract paper.
" Makipag-contract ka na kay Melody. "
Itinapat niya yung papel kay Melody at nakipag-contract na nga sila sa isa't isa.
Napangiti na lang ako sa nakita kasi ang ganda talaga ng combination ng powers nila.
" Ayun sila! " sigaw nung mga nagtatakbuhang estudyante sa amin. Kitang kita mo sa kanilang mata na galit na galit sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...