Chapter 6

5.8K 235 36
                                    

Emerald's POV

Sabi nila masyado daw akong maganda. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Lahat ng iutos ko ay nasusunod. Ganyan ako ka prinsesa sa school na to. Why I can do that? Isa kasi akong special student. Special student with charm magics.

Alam ni Principal Adeline na isa akong special student pero, hindi nya alam ang tunay kong magic. Ang alam niya lang ay may unique lang akong magic.

Alam mo na... Napaka KJ ng school na to. Pinagbabawal raw. Pinagbabawal ha! Pinagbabawal raw gumamit dito ng kahit anong uri ng charm magics.

Kaya me and my partner Cox lang ang may alam kung anong klaseng magics ang mayroon ako. FYI! Hindi ko ginamitan ng kahit anong uri ng charm magic si Cox ah. Sadyang maganda talaga akong babae, kaya nagustuhan nya ako.

Noong nasa Normal world pa lang kasi kami. Matagal ko na siya nakilala. Isang masugid at medyo nakakainis na tagahanga. Matagal nya na akong sinusundan, parang stalker. Hanggang sa binigyan kami ng magic envelope mula sa Affinity High.

Sa sobrang kulit at nakakairita nya ay napa OO na lang ako para maging partner nya. Tutal naman kahit paano may abilidad siya maging partner ko. Isa rin kasi siyang SPECIAL STUDENT. He can use Illusion Magics. Kaya sisiguraduhin kong mahihirapan ng sobra yung bobita na yun.

Mabait naman akong tao. Mabait sa mga ka level ko at mabait ako sa mga taong nirerespeto ako.

Lumalabas lang ang pagka demonyita ko sa mga taong ambisyosa at sa mga taong umu oppose sa mga gusto ko.

Pero dahil may charm magics ako, wala rin naman silang magagawa kundi sumunod sa taong minamahal nila. Ako. Ako lang naman ang sinusunod nila. 

Pero yang Clyte na yan... Unang pagkikita pa lang namin, nakadama na ako ng kulo ng dugo. Lalo na nang, halos lahat ng atensyon ng mga tao sa lugar na to ay nasa kanya. Hindi ko masasabi na KSP ako pero, ayaw ko kasing nasasapawan ako.

Kaya lahat ng alam kong kamalditahan ay ginawa ko na sa kanya. NAKAKAINIS! Nakakainis talaga! Napapagod ka na sa panggugulo sa kanya pero siya, wala kahit katiting na pakialam sa ginagawa ko.

Nag try na rin akong gamitan siya ng charm magics para mai-utos ko sa kanya na pahirapan nya ang sarili nya. Kaso, walang talab ang magic ko sa kanya. Pero paano!? Halos lahat ng ginagamitan ko ng magic ko ay walang hirap na nauutusan ko.

Pero hindi ako susuko! Nagpasya na lang akong pahirapan siya dito. Dito kung saan marami ang makakita sa pagpapahirap at pagpahiya ko sa kanya.

Clyte's POV

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Mam Adeline. Makakaganti na rin ako doon sa bruha na yun.

Dahil sa mangyayari na final battle bukas, lahat ng tao sa school ay pinapayagang manood.

*FLASHBACK*

PRINCIPAL ADELINE: THESE WILL BE THE RULES; Rule #1 No Limits. All kind of magics ay papayagan kong gamitin sa Battle na to. Rule # 2 No Exemption. Kapag may nangyari sa inyo sa oras ng BATTLE ay hindi na sagot ng school. Kaya marapat na galingan nyo. And Rule #3 Cheating is Forbidden. Gusto kong makakita ng Maganda pero Fair na laban.

Isa lang tong BATTLE at hindi Wish Competition. INUULIT KO, ISA LANG TONG BATTLE. Ang mananalo dito ay makakuha sa akin ng prize. Ang Tear of Goddess. Kaya nitong iligtas ang buhay nyo kung kailangan but only once. After mailigtas kayo nito, ay agad ito mawawala. THATS ALL. GOOD LUCK STUDENTS.

*END OF FLASHBACK*

*****

ANNOUNCER : Tinatawagan ko ang mga kalahok na kasali sa Battle. Ang Battle ay mag uumpisa sa loob ng 20mins. Kaya tinatawagan ko ang mga kalahok para maghanda. Inuulit ko, ang battle ay mag uumpisa sa loob ng 20mins. Kaya lahat ng gustong makapanood ng battle ay mayari nang pumunta sa stadium.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon