Chapter 26 - Sweetness Overload

2.7K 92 16
                                    

Hello there my precious and loyal readers! Ito na po ang pinaka-hihintay n'yong Update!

Ako po ay magso-sorry na ng maaga, made-delay na kasi ang mga susunod na chapters nitong AH. May exam na po kasi kami this and next week. So kailangan ko po talaga bawas-bawasan ang pagtutok dito sa cellphone ko. I'm sorry talaga. Sana maintindihan n'yo ako.

Pero may good news ako mga kuya at ate! Para naman makabawi ako sa delay ng updates. Mayro'ng book 2 ang AH! Sinisigurado ko pong may Book 2 'tong story na 'to. Pero, secret muna ang mangyayari doon sa story. Alam ko namang susuportahan n'yo 'yun eh!

So tama na ang kung anu-ano... Lets start the story.

*****

Seiji's POV

*Flashback*

Dalawang linggo na akong nandito sa mansion namin. Iniisip kung ano na kaya ang kalagayan ni Clyte ngayon.

Nakaka-miss lang kasi 'yung maingay at madaldal n'yang bibig, kahit na lagi siyang galit sa akin. Lalo na 'yung ngiti niya... Nakaka-miss talaga.

Dalawang linggo na rin akong nag-iisip kung bakit ganoon ang nangyari sa akin. Pumunta lang ako doon sa may canteen then, nakabalik agad ako dito sa mansion namin.

Kaya magagalit siguro si Clyte sa akin dahil sa biglaan kong pag-alis. Ako rin mismo kasi, hindi alam ang tunay na nangyari. Napag-isahan ata ako. Sana naman, maayos ang lagay ni Clyte ngayon at sana maintindihan niya ang nangyari sa akin.

"Master.." Pagtawag ni Clause sa akin habang nakatok sa pintuan ko.

Si Clause lang ang nakakausap ko pagka-alis ko sa Affinity High. Wala naman kasing tao dito sa mansion maliban sa kanya. Hindi rin naman ako makabalik sa school dahil nasa kalagitnaan na ng terms sila. Kaya nagkulong na lang ako dito sa malungkot na mansion na ito.

"Pasok.." pagbibigay permiso ko kay Clause. Ganito lagi ang usapan namin araw araw. Boring pero nakasanayan ko na eh..

"Iwan ko na lang po dito 'yung pagkain n'yo. Ubusin n'yo po para magkita kayo ni Ms. Clyte" Nginitian niya lamg ako sabay lapag niya n'ong tray sa aking la mesa.

"Salamat." Binagyan ko rin siya ng ngiti.

Si Clause rin lang kasi ang nakwentuhan ko kung gaano ka-kulit si Clyte at kung gaano rin siya ka-suplada. At higit sa lahat, kung gaano rin siya kabait.. Paminsan-minsan.

Wala naman akong gana kaya hindi ko muna kakainin 'yung iniwan niya. Pati isa pa, nakaramdam na ako ng kakaiba nitong nakaraang araw. Pakiramdam ko kasi tinatawag ako ni Clyte, nahingi siya ng tulong.

Napahikab na lang ako dahil sa sobrang antok. Mas gusto ko na rin makatulog agad, para mapanaginipin ko siya.

Ipipikit ko na sana ang aking mata ng biglang lumiwanag ang room ko. At unting unting lumabas si Ma'am Adeline mula dito.

"Ma'am?" Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at tinatakpan ko pa rin ang aking mata. Sobrang liwanag pa rin kasi.

"Ako nga Seiji." Nawala na 'yung liwanag at lumapit si Ma'am sa akin.

"A-ano po ginagawa n'yo dito?" Medyo mautal utal kong tanong.

Kinakabahan kasi ako. Parang kasing may mahalagang sasabihin si Ma'am sa akin. Pakiramdam ko kasi, may nangyaring masama kay Clyte.

"Seiji..." Lumungkot bigla ang kanyang mata kaya ako ay napalunok na lamang. Mukhang alam ko na ata ang kalalabasan nito.

"O bakit ka nanginginig?" Tinignan ko ang aking paa at totoo nga. Nanginginig ako. "'Wag kang kakabahan kasi wala naman akong masamang balita na sasabihin sa'yo."

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon