UD ulit! Libre kasi ako ngayon. Walang ginagawa ♥
Huy! Ikaw. Yes you! Ikaw na nagbabasa nito! Nabasa mo na ba 'yung bago kong story? Kung oo, pm mo ako.. May dedication ka sa akin. At--
Clyte: Eto nanaman sya... Kung ako sa'yo author.. Umpisahan mo na kung ayaw mong masunog ng --
Shut up Clyte! Ba't ba ang hilig mong sumingit kapag ako ang nagsasalita. Eh ikaw, gusto mong tanggalin kita sa story? ... Joke!
Ito na nga.. At kung hindi pa, please lang.. Pabasa hahahaha..
*****
Cy's POV
Nandito ako ngayon sa may likod ng isang pintuan... Nag-iisip kung paano ko na maiisagawa 'yung aking masamang plano..
" Tara na nga Blake, my love. " Teka! Parang boses ata 'yun ni ate... At may paglalandi pa talaga sa boses n'ya ah.
" M-my love!? " Kanino nga ulit 'tong boses na 'to? Uhmm..Seiji.. Ayun!
Feeling ko, may gusto tong lalaki na to kay ate eh.. At dahil d'yan, may naisip na ako..
Paano kaya kung tanggalin ko sa landas ko 'yang perpekto mong partner. Sabagay, hindi mo naman talaga deserve na magkaroon ng isang taong katulad ni Seiji. Ano kaya mararamdaman mo kung nag-iisa ka na lang lumaban? Kawawa ka naman..
" Bakit? May problema aber? " Clyte. Wala pa sa ngayon ate, pero sisiguraduhin ko... Papahirapan muna kita bago ka mapunta sa DF.
Nakakainis lang talagang isipin na kahit magkapatid kami.. Prinsesa ang turing sa kanya samantalang sa akin.. Isang hamak na utusan lamang.
Simula kasi pagkabata, hindi ko naramdaman ni katiting na anak ako ni Papa. Ginagawa ko naman ang lahat para mapansin n'ya.. Pero wala.. Mas mahalaga pa rin talaga sa kanya 'yung isa ko raw na kapatid.
Kapatid ko na laging bukang bibig ng Papa ko. Kapatid ko na wala namang ginagawa para kay Papa pero mas napapansin kaysa sa akin..
Kaya ako, sabihin ng KSP.. Simula pagkabata pa lamang, galit na galit na ako sa'yo.. Ate.
" W-wala! Tara na nga Cly-- este Melody.. " Seiji..
Nakakatuwa lang silang tignan. Ngayon, masaya kayo.. Pero sa mga susunod na araw... Huh! Tignan na lang natin..
Lumabas na ako sa may pintuan at nagpakita sa kanila..
" Sige lang.. Magsama lang kayo hangga't kaya nyo pa. " nakangisi kong pahayag.
Kung titignan, mukha silang gulat na gulat sa akin. Sabagay, ikaw ba naman makakita ng isang dyosa na lumabas sa isang pintuan bigla bigla ..
" O bakit kayo nagulat? Nakakagulat ba talaga ang ganda ko? " pang-aasar ko sabay talikod at umalis...
Nilingon ko lang sila sandali at nginitian.. Hindi pa rin kasi nawawala 'yung gulat sa kanilang mga mukha.
*****
Nandito ako ngayon sa tapat ng room ng nag-iisa kong ka-vibes dito sa school na 'to..
Unang tingin ko pa lang sa kanya, naramdaman ko na parehas kami ng gusto at hinahangad. Parehas naming gusto na pahirapan ang kaisa isa kong kapatid..
" Emerald.. " Sabay katok ko sa pinto niya. Syempre, walang doorknob ang pintuan na to kaya hindi naman ako makapasok bigla bigla. Ba't kasi kailangan pang i recognize mismo ng pinto kung sino 'yung may-ari?
Mas nilakasan ko pa 'yung katok. Wala kasing nasagot. Eh wala rin naman s'ya sa labas... So I'm very sure na nandito siya..
" Eme-- " Lalakasan ko pa sana 'yung pagkatok ng bigla itong nagbukas.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...