Chapter 31

1.9K 69 0
                                    

Kung naghihintay pa po kayo ng Update nitong AH, please have a time reading my other stories... Especially, Love is a Beautiful Lie.

Pagkatapos kasi nitong AH na ngayon ay sobrang lapit na matapos, ‘Yung LIABL naman po ‘yung tatapusin ko. So, please... Basahin n’yo po ah. Hindi po kayo magsi-sisi :)

*****

Seiji’s POV

“C-clyte?” Lumapit ako sa kanya, parang kasi may nangyayari sa kanya. Bakit siya umiiyak habang tumatawa? Hindi kaya...

“Lumayo ka sa akin! Kung gusto mo pang mabuhay, lumayo ka sa akin!”

Napaatras siya mula sa akin pero hindi ako nakinig. Kahit halos masunog na ang aking balat, pinipilit ko pa ring makalapit sa kanya. Gusto ko siyang yakapin.

“Ang sabi ko, lumayo ka sa akin!” Sumigaw siya at may lumabas na parang wave ng apoy niya sa akin.

“Ahh!” Napasigaw na lang din ako dahil sa sobrang sakit at hapdi ng balat ko. Hindi ko magamit ang spell ko, nahihirapan ako.

Hindi... Hindi dapat ako sumuko agad. Alam kong nand’yan pa rin ang dating Clyte. Naghihintay na lumabas d’yan sa masamang katawan na ‘yan. Kailangan n’ya lang ng tulong.

Love is the most powerful magic of all time.

Biglang nag-echo ‘yang mga salita na ‘yan sa aking isipan. Naalala ko tuloy ‘yung sinabi ni Ma’am Adeline. May pag-asa pa! Kailangan ko lang ipaalala sa kanya kung sino si Seiji.

Tumigil na sa paglayo si Clyte na ngayon ay parang tuliro na sa pangyayari. Ginamit ko ang pagkakataon na ito para lapitan siya.

“Clyte...” Mahahawakan ko na sana ang kanyang balikat nang...

“Ops!” Tumalsik na lang ako ng biglaan dahil sa sobrang lakas na hangin doon sa paligid ni Clyte.

Mga ilang sandali ang nakalipas, nagkaroon ng isang lalaki doon sa tabi ni Clyte. Sa kanya ata nanggaling ang boses na ‘yon.

“Bawal ‘yan, bata... Alam kong alam mong hindi mo gugustuhin kapag tinuloy mo ‘yon. Kaya ako sa iyo bata, tumakbo ka na... Hangga’t may oras pa.” Sabay nagcast s’ya ng isang spell.

“From the magic of the dark kingdom, deceive their eyes, fill their heart with darkness... I cast thee, Lycanthrope!”

Nanlaki ang aking mata ng biglang naging isa s’yang malaking aso. Isang maitim na aso na parang nasusunog sa pulang apoy.

“Hindi mo pa rin ako sinusunod... Ang sabi ko, tumakbo ka na..” Tumawa siya ng malakas. Kahit na nag-anyo siyang aso, nandoon pa rin ang isip tao niya.

Gumagapang na ako papunta kay Clyte. Wala akong paki kung sino man s’ya. Basta sa akin lang, mailigtas ko si Clyte.

“Ang kulit mo!”

Tumakbo siya papunta sa akin at kinagat ang aking paa. Sigaw na ako ng sigaw dahil sa sobrang sakit. Parang matatanggal na mismo ang aking paa dahil sa talas ng kanyang mga pangil.

Gamit ang kanyang bibig, itinaas niya ako at binato papalayo kay Clyte. Nakita kong baon na baon ang kanyang mga ngipin sa aking binti. Hindi ko na ito maikilos.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon