Chapter 20 - Disappearance

2.4K 87 9
                                    

Ito po ang magiging schedule ng updates ko sa AH at sa Twisted Fate ( Kung mayro'n man ang nagbabasa nito dito )...

Every Saturday and Sunday lamang ang UD nito. Ito po 'yung sure na UD. Pero kung maluwag luwag naman po ako sa school at medyo mahaba haba ang spare time, gagawa po ako ng UD.

Sorry po ha... Kasi alam n'yo na, buhay estudyante na si Author.

So 'yun lang po sa ngayon. And again, ako po ay nagpapasalamat sa nagbabasa ng AH. Thank you very much!

Dedications are depend on your comment. Kapag nagustuhan ko po 'yung nakakaloko n'yong comment... Aba, may dedication ka na! Kaya please lang ha... Mag-comment kayo. At syempre, para ganahan ako mag-update.

*****

Clyte's POV

Masaya kong kinagat yung dala dala kong sandwich at nagtanong kay Risz...

" Dumating na ba si Seiji? "

At ng marinig ko yung sagot niya... Nabitawan ko yung sandwich dahil...

" Seiji? Sinong Seiji? " inosenteng tanong ni Risz.

Lakas ng tama ng mga 'to ah! Ang panget na nga ng panaginip ko, tapos may gana pa silang pag-tripan ako. Seriously... Ayokong pinagloloko ako.

Naglabas ako ng isang maliit na dark flame sa aking palad at ipinakita ko sa kanya. Umikot ikot ako sa kanya para malaman n'ya na ayaw ko sa mga ganitong bagay.

" Risz, medyo matagal tagal na tayong mag-kaibigan. Alam mo naman ata na ayaw na ayaw na ayaw kong pinagloloko ako... "

Napalunok si Risz sa pinaggagawa ko.

" C-clyte, t-totoo ang sinasabi ko... 'Di ko talaga--- "

" Shut up! "

Hindi ko alam pero dahil siguro sa panaginip na 'yun... Naging ganito na ang nararamdaman ko. Kahit gano'n ang ginagawa ko kay Seiji, ayaw ko pa rin na iwan n'ya ako. Gusto ko lang na nasa tabi ko s'ya palagi.

Ng hindi ko sinasadya, biglang lumakas 'yung apoy sa aking palad. Dahil siguro sa galit.

" C-clyte.. " Pag-aalo ni Risz sa akin pero nilayuan ko lang s'ya.

" Risz! Si Seiji! 'Yung lalaking lagi kong inaasar... Lagi kong kinaiinisan... Taong.. sobrang halaga sa akin. Risz! Hindi mo ba s'ya nakikilala!? "

Dahil sa siguro sa galit, unting unti tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

" C-Clyte... Hindi ko naman talaga siya kilala! H-hindi ako nagsisinungaling! Kaibigan kita kaya hindi ko kaya magsinungaling sa'yo! G-ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin!? "

Napaiyak na lang si Risz. Hindi ko naman s'ya matabihan at patahanin sa pag-iyak kasi kasalanan niya rin naman kung bakit ako nagkakaganito.

Lumapit sa kanya sila Melodyat Blake. Hinimas himas ni Melody ang likod ni Risz.

Tinanggal ko na 'yung apoy sa aking mga kamay since ayaw naman niya umamin...

" B-blake... M-melody... 'Di naman kayo kasama sa prank na 'to 'di ba? " Nanginginig kong tanong. Natatakot ako kung sakaling hindi nga talaga nag-sisinungaling si Risz.

Umiling lang silang dalawa at nagsalita si Blake... " Clyte, hinihintay ka lang namin dito para maturuan mo ma kami at 'yun lang at wala ng iba. Walang prank na nagaganap. Walang Seiji kaming kilala. " Seryosong salita ni Blake. Kitang kita mo sa kanyang mga mata na hindi siya nagsisinungaling.

Lalong lumakas ang agos ng luha sa aking mata. Hindi ko alam pero parang nanikip bigla ang aking dibdib.

Panaginip lang ba ang lahat lahat?

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon