Chapter 14 - Transferees

3.7K 132 4
                                    

Guys.. Kung may extra time kayo, basahin nyo naman yung bago kong story please?

Rom-Com Teen Fiction po siya: Twisted Fate

Kapag hindi nyo po binasa, magdadalawang isip po ako kung mag-uupdate sa AH. Hindi po yun Joke. Joke ahahahaha. Kayo pa! Malakas kayo sa akin! Hart hart ♥♥

*****

Clyte’s POV

Nang nahawakan ko ulit yung magic envelope, napunta ulit ako sa Affinity High in instant. Natatandaan ko tuloy noong una ko pa lang pagtungtong ko dito bilang isang inosenteng tao. Walang kasiguraduhan sa pwedeng mangyayari dito sa school na to. Galit sa isang taong nag-ngagalang Seiji. Pero lahat ng ito ay nagbago...

“ Yoh! Sawakas at dumating ka na rin. ” Sabay tayo ko mula sa pagkakasandal ko sa may gate. Dumating na rin kasi si Seiji. Mukhang natagalan ata kanila Mama.

“ Kanina ka pa ba d’yan? ” Hay nako Seiji.. Hindi ba obvious at itatanong mo pa? Minsan talaga, masama rin pala ang sobrang talino.

Nagkibit balikat lang ako at..

“ Oo.. Bakit ba ang tagal mo? ” sabay inumpisahan ko na yung paglakad ko papunta sa loob ng school. Sinundan niya naman agad ako.

“ Wala.. Sadya lang talagang maalalahanin ang mama at papa mo kaya ako natagalan. ” biro niya sabay tawa. “ Buti ka pa. ” narinig ko na bulong na galing sa kanya.

Oo nga pala.. Si Clause na ang nagpalaki sa kanya. Kahit ganyan yang lalaki na yan, may nararamdaman din akong awa para sa kanya. Biruin mo, kahit ganoon ang nangyari sa kanya... Hindi siya naging bulakbol or something like that. Pinatunayan niya pa na kaya niyang mabuhay mag-isa.

Sa tingin ko.. Kailangan ko ng itigil tong pagiging masama at suplada sa kanya. Dahil sa training program, ay nakilala ko pa siya ng lubusan.

“ Si Clause rin naman ah.. Sa susunod mo daw na pag-uwi, matutuwa daw siya kung uutusan at uutusan mo daw siya paulit ulit. Namimiss ka daw niya. ”

Huminga siya ng malalim...

“ Si Clause talaga.. ” sabi niya habang umiiling yung ulo niya. “ Pero, Clyte... May sinabi ‘yung mama mo sa akin tungkol sa tunay mong mama---- ”

“ To all Students, kindly proceed to your respective classroom.. At kay Clyte Cabrera, mamayang pagkatapos ng klase nyo, ay mayaring pumunta ka sa Principal’s Office. ” boses na mula kay Mam Adeline na hindi ko alam kung saan nanggaling. Inilibot ko yung mga mata ko para maghanap yung speaker... Pero wala. Hanep! So magical! Hahahaha

Pero, ano kaya ang sinabi ni Mama Jonah sa totoo kong nanay. Oo nga pala! Hindi na niya pala nasabi sa akin yung kay Mama kasi bigla bigla ako nawala.

“ Ha!? Sino este ano yung sinabi ni Mama Jonah sa iyo? ” sabay hawak at iyinuyugyog yung kamay niya na parang bata na namimilit.

Napa buntung hininga siya sa narinig..

“ Hayaan mo na siya ang magpaliwanag. Ayaw kong maki-alam sa mga ganyang bagay ” Ito talaga si Seiji! Pa suspense pa! Ayaw na lang sabihin. Hindi naman ako magagalit at wala naman ako magagawa kung makikialan siya.

“ Sinong siya!? Bakit ayaw mo pang sabihin!? ” Baka pinagloloko lang ako ng lalaking to..

“ Siya. ” sabay turo niya doon sa may Principal’s Office. Teka! Ano naman kinalaman ni Mam Adeline dito!? Bakit siya pa ang may kailangan na magsabi ng totoo? Bakit ayaw na lang sabihin ni Seiji? Ay ewan!

*****

Nandito kami ngayon sa room. Hinihintay si Mam Mae. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako matahimik. Ginigulo pa rin ako nung sinabi ni Seiji. Bakit kasi Mam Adeline pa? Bakit kasi ayaw niya pa sabihin?

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon