Chapter 10

5.5K 194 22
                                    

*****

Bago nyo po to basahin, ay marapat na ilagay nyo sa mga isipan nyo na lahat ng mangyayari dito ay maaring ikatanggal ng pagka inosente nyo. Walang bed scene na mangyayari kaya wag kayo mag expect. Mga pervert... Joke XD

Siguro naman po, alam nyo na po yung basic anatomy ng bawat gender.

Wala pong mangyayaring kabalastugan, maging OPEN MINDED KAYO!

Thats all! Enjoy :)

*****

3rd Person's View

Pagkatapos makatakas ni Clyte mula doon sa mga Black wizards, ay agad bumalik ang mga ito sa DF Academy. Sinabi nila ang masamang balita sa kanilang pinuno.

" O kamusta na ang misyon nyo? " masayang masaya na sabi nung Papa ni Clyte. Akala niya kasi, makikita na niya ang anak.

Tumingin tingin siya sa tabi ng mga black wizards, para hanapin si Clyte.

" Bakit wala ang anak ko!? " tumayo ito sa pagkakaupo. Nagbago agad ang mood nito. Ngayon, ay nanginginig na siya sa galit.

" Ah...Eh...K-kamaha—- " napatigil yung nag papaliwanag kasi sumigaw na yung Papa ni Clyte.

" SAGUTIN NYO AKO! NA-SAAN ANG A-NAK KO!? "

Nangangatog na yung mga black wizards sa takot. Panakot lang kasi nila kay Clyte, yung papatayin siya. Pero ang totoo, natatakot silang maparusahan ng Papa ni Clyte, ang Head ng DF Academy.

Kilala kasi ang Papa ni Clyte, sa galing at sa marahas nitong mga pamamaraan.

" H-hindi po namin s-siya nahan— " sabay pigil sa isang wizards ng katabi nya.

" Shh! " bulong ng katabi niya.

Gusto sana nila mag sinungaling na hindi nila nahanap si Clyte, pero alam nilang hindi nila kaya yun gawin. Kasi kaya mag basa ng isip ng papa ni Clyte. Kaya malalaman at malalaman ng Papa ni Clyte yung totoo.

" Ah... Kaya pala! Kung ganoon... " biglang nag poker face yung mukha ng papa ni Clyte. " IPATAPON SILA SA NULL VOID! " Sigaw nung papa niya.

" K-kamahalan, wag po! " sabay luhod nilang lahat.

" Maawa naman po kayo sa amin " sabi nung isa sabay hawak doon sa paa nung papa ni Clyte.

Mangiyakngiyak na nagmamakaawa silang lahat. Kasi, kilala ang Null Void na tirahan ng masasamang elemento. May dalawa lang pwedeng mangyari sayo dito. Una, maging pagkain ng mga halimaw. At pangalawa... Kung mabubuhay ka naman mula sa mga halimaw, ay mamatay ka sa gutom at kawalan ng pag asa.

" Kung nakatakas ang anak ko, ibig sabihin nun ay marami na siyang nalalaman. Magaling! Magaling ka anak ko! Pero hindi magtatagal, ay mapapasa akin ka rin. Dahil gagamitin ko na ang alas ko. " sabay tumingin siya sa isang babae.

" May iiutos ako sa iyo. Kunin mo ang anak ko! " Nakangiting sabi nung papa ni Clyte.

" Masusunod, aking ama. " sabay alis nito.

*****

Clyte's POV

Pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi, nag pasya kami ni Seiji na gawin na lang yun sikreto. Ayaw kasi naming, sabihin na nating ayaw ko. Ayaw ko kasing malaman nila Risz at lalo na si Emerald.

Lalo pa kasi iinit ang tingin ni Emerald sa akin. Ayaw ko naman mangyari yun. Pero hindi namin itatago na nawala na yung Spell kay Seiji.

*Flashback*

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon