Chapter 27

2.8K 83 9
                                    

Well... Hello again mga magaganda't mga gwapo kong readers! Hindi 'yun bola. Totoo. Hindi naman kasi 'yan masyu-shoot! Hahahaha...

So 'yun nga ulit! May exam pa rin ako ngayong lunes at bukas, so ito na ang update na pinakahihintay n'yo. Alam ko naman kasi na aabangan n'yo 'tong story hanggang sa nalalabing wakas nito.

Siguro iniisip n'yo... "Ano ba paki namin Author?" Oo nga naman! Ano nga ba paki nyo? Uhmm.. Wala naman, pero bakit mo pa rin 'to binabasa? Joke! Dami kong paligoy ligoy, umpisahan na nga natin :)

*****

Clyte's POV

Sa hindi malamang rason, biglang nawala lahat ng sugat at sakit sa aking katawan. Totoo ngang napaka-magical ng epekto ng Love sa isang tao.

Hindi ko akalain na sa tagal tagal kong inaway away si Seiji, dito kami hahantong dalawa. Kailanman kasi, hindi ko inisip na mahuhulog ako sa kanya.

Masasabi ko na nasuklian ng sobra sobra lahat ng pagsasakripisyo't paghihirap ko.

"Clyte... Gising ka na ba?" Boses na galing kay Blake.

Napabitaw na lang ako sa pagkaka-yakap ko kay Seiji ng biglang pumihit 'yung doorknob ng pinto. Ts... Panira moment.

Hindi pa man nabubuksan 'yung pinto, agad agad akong humiga doon sa aking kama at nag-talukbong ng kumot. Sinenyasan ko lang si Seiji na 'wag s'yang maingay.

"Okay ka na ba ngayon Clyte?" Pagkabukas na pagkabukas ni Blake ng pinto ay pumunta agad siya sa akin.

Umubo ubo ako kunyari para lumayas na siya. Asungot eh.

"O-oo Blake.." nagtangka na rin akong tumayo pero agad niya akong pinigilan.

Ang bilis naman masyado. Masyado ba akong magaling umarte?

"'Wag ka nang tumayo. Magpahinga ka na---" napabaling ang kanyang tingin sa kanyang gilid "--T-teka!Ba't nandito 'to!?"

Seriously? Ngayon niya lang napansin si Seiji? Eh, halos mabunggo na nga niya ito sa pagmamadali niyang lumapit sa akin.

"Bakit? May mangyayari ba kung nandito ako?" Nginitian lang ni Seiji si Blake at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay at pinaupo ako sa aking kama at niyakap ako sa aking leeg.

Shet! N-nararamdaman ko 'yung init ng katawan niya. Nanigas na naman sa kaba 'tong katawan ko. Ano ba kasi 'tong palabas mo Seiji?

Makikita mong asar na asar si Blake sa pinag-gagawa ni Seiji. Lalong lalo na...

"Kami na ni Clyte."

Biglang nagbago ang atmosphere ng kwarto ko ngayon. Parang may dumaan na anghel.

"Ha!?" Sabay naming sigaw ni Blake nang ma-realize namin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Seiji.

"A-ano 'tong pinagsasabi mo? A-anong tayo na?" Bulong ko sa kanya.

Takte... Hindi ako makahinga. Hindi dahil nasasakal ako, kundi... Sobrang lapit niya kasi sa akin. Nauubusan na ako sa hangin. Ba't kasi ang bilis tumibok ng puso ko?

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon