Chapter 4

7.2K 279 27
                                    

Seiji's POV

*Flashback*

Noong una ko pa lang siya makita, nasabi ko na sa sarili ko na siya na nga.

Highschool pa lang ako noong nakilala ko siya. Isang matalino at may pagka-clumsy na babae. Kakaiba siya.

Hindi siya 'yung normal na babae na nakikita ko. Kapag nakikita ko kasi siya, nagkakaroon ng spark. Basta, ang hirap i-explain kasi hindi ko naman siya nararamdaman ngayon.

Halos lahat kaming mga lalaki dito sa klase namin ay may gusto sa kanya. Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya, isang babaeng maganda, matalino at higit sa lahat, prangka.

Kabaligtaran siya ng mga kaklase kong babae dito sa room, except sa bestfriend nya. Mga babae kasi rito, suplada at maldita. Ayaw na ayaw makipag-usap sa amin lalo na sa akin.

Noong mga araw na kasi 'yun... Isa akong tahimik na tao, wala naman kasi akong kaibigan na makakausap. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko, lumalayo na sila sa akin.

Isa rin akong lampa na tao, pinanganak kasi akong may mahina na katawan. At higit sa lahat, isa akong torpe.

Hindi ko man lang kasi masabi ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko na kasi na ang tulad n'yang babae ay hindi kailanman magkakagusto sa akin.

Halos kasi ng mga kaklase ko ay may itsura, magaling sa sports at perfect na kung maituturing. Dahil dito, lalo tuloy ako nanliit sa sarili , nanghina ang loob ko. Mas nahihirapan tuloy akong magtapat.Natatakot akong masaktan.

Lahat ng nanliligaw sa kanya ay binibigyan siya ng mga usua stuffs like chocolates, stuffed toys and flowers. Hindi siya 'yung tipo ng babae na tumatanggi rito. Kahit.na mabungi man ang kanyang ngipin, tinatanggap niya pa rin ito. Paborito niya kasi ang chocolates.

Mayroon naman akong maibibigay sa kanya, kaso nga lang nato-torpe ako. Hindi n'ya nga halos ako kilala kung hindi ako tinatawag ng teacher namin. Sabagay, wala naman talaga nakakilala sa akin. At mas gusto ko na ang ganito, hindi tampulan ng tingin.

Pero mabababago pa ata 'to para sa kanya noong...

"Clyte, bakit ayaw mo pa sagutin si Brent?" Sabi ng isa kong babaeng kaklase.

Hindi naman ako isang tsismoso o isang usisero. Hindi ko naman kasi sinasadya na makinig sa kanila. Kasalanan ko bang hindi nila ako pinapansin? Na para bang wala ako sa paligid.

Nga pala, si Brent na pinag-uusapan nila ay 'yung isa sa nanliligaw kay Clyte. Ang school herthrob ng panahon na 'yun. Ginamit niya ang pagiging half american and half filipino niya para magustuhan siya ng isang babae.

"Ayaw ko. Una sa lahat, pagaaral ang habol ko sa school na 'to. At pangalawa ayaw ko sa katulad niyang lalaki."

Nabuhayan ang aking sarili sa sinabi ni Clyte. Kahit paano kasi may isang katiting na pag-asa ang namuo sa loob ko. Pag-asa dahil maari pang maghintay ang panahon para sa aming dalawa.

"Grabe ka naman Clyte! Si Brent 'yun! Si Brent!" Halos mahulog na si Clyte doon sa kanyang upuan ng niyugyog siya n'ong kaklase namin.

"Wala akong paki kung sino man siya." Mahinahon niyang pananalita sabay inayos 'yung kanyang nagulong upuan at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Tapos na ang klase, ta's magbabasa ka pa rin?" sabay hablot niya d'on sa libro na hawak ni Clyte.

Siniringan lang siya nito at tinangkang kunin 'yung libro. Pero hindi niya pa rin makuha 'to. Para s'yang bata. Ang cute niya.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon