Final Chapter

3.5K 91 8
                                    


Clyte's POV

Dapat akong magmadali. Alam kong hindi kakayanin ni Seiji si Papa. Malakas nga si Seiji pero wala talaga s'yang kaya kay Papa. Pero, naniniwala ako sa kanya. Hindi niya bibiguin ang ipinangako niya sa akin.

Pagkalabas ko doon sa may portal, nabingi ang aking tenga sa aking naririnig. Puro sigaw, iyak at pagsabog ng mga kung anu-anong bagay ang aking naririnig.

Nakikita kong halos sira sira na ang matatanaw ng aking mga mata. Wala na akong nakikitang buhay na tao, puro na lang black at white wizards.

Lumipad ako ng mas mataas para walang maging sagabal. Binilisan kong pumunta sa bahay namin. Alam kong hindi pa huli ang lahat.

Maayos na sana ang takbo ng aking paglipad ng makakita ako ng isang liwanag mula sa aking ibaba. Hindi ko na lang 'to pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglipad.

Nakaramdam ako ng isang malagkit na bagay sa aking paa at mga pakpak. Nahihirapan akong ipagaspas ito dahil sa sobrang dikit. Hanggang sa hindi ko na nakayanan at ako ay nahulog.

Lalo akong kinabahan dahil sa mga oras ngayon, maaring mapahamak na sila Mama. Hindi na dapat ako magpatumpik tumpik pa.

Tumayo ako mula sa aking pinagbagsakan. Nakita ko si Risz at 'yung iba pang nakikipaglaban sa mga black wizards. Pino-protektahan din nila 'yung mga taong nakaligtas.

"Clyte? Ikaw ba yan?" Naniring pa ang mata ni Risz bago niya ako makilala. Kahit na may kalaban pa siya, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

"Ba't ka nandito? Akala ko ba nakulong ka doon sa Deathfire Academy. Paano 'yun? Nand'on sila Melody at Blake para iligtas ka, tapos nandito ka lang pala."

Ito na ba 'yon? Ito na ba ang parusa sa akin dahil sa aking kapabayaan?

Naiyak na lang ulit ako sa aking narinig. Masyadong masakit pala kapag naririnig ko ang mga pangalan nila. Sobrang sakit.

"O bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Tinapik tapik niya pa ang aking likod.

Umiling lang ako at binigyan s'ya ng isang pekeng ngiti. Tinanggal ko gamit ang aking itim na apoy 'yung mga malalagkit na bagay sa aking pakpak.

"Sige na... Aalis na ako. May ililigtas pa akong mga tao." sabay lipad ko ng mataas.


Nginitian n'ya lang din ako. Sa bawat kita ko sa ngiting 'yon, parang sinasaksak ang aking dibdib. Parang pinagkait ko sa kanya ang katotohanan.

Pero mas mabuti nang hindi n'ya muna malaman sa ngayon. Alam kong masasaktan din siya. Pati isa pa, kailangan ko nang magmadali bago mahuli ang lahat.

"Sige... Hihintayin lang kita dito kahit ano man ang mangyari." sabay balik niya doon sa labanan at tinulungan ang mga white wizards.

Mas binilisan ko pa ang lipad. Hindi na maganda ang nararamdaman ko.

Nakarating ako sa aming bahay. Ang nakakagulat lang. Sa street mismo namin, walang nangyaring kung anu ano sa aming bahay. Parang katulad pa rin ng dati. Walang pagbabago.

Napangiti na lang ako sa aking nakita. Kahit paano, parang akong nabunutan ng tinik.

Bumababa ako sa may gate namin. Nami-miss ko na kasing i-bukas sara ito. Pati isa pa, lagi akong hinihintay dito nila Ma---

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon