Chapter 15 - The Past

3.6K 127 13
                                    

WOOHOO!! Mag Te-10K reads na tayo! Sa mga nagbabasa ng Affinity High.. Maraming maraming salamat po. I hope na mabasa nyo po sya hanggang dulo. Thank you very much♥♥

And again, hindi po ako magsasawang mag p-plug ng bago ko pong story..

Teen fiction po siya : Twisted Fate Subukan nyo po siya. RomCom rin katulad ng AH kaso nga lang walang magics. Thank you po ulit!

****

Clyte's POV

Pagkapasok ko doon sa may portal, nadatnan kong tuwang tuwa na nakita ako ni Mam..

" Mam, may kailangan daw po kayo sa akin? "

Lumapit si Mam sa akin at niyakap sa akin at unting unting umiyak..

" Sorry... Anak "

" A-anak!? " gulat na gulat kong pahayag habang pinipilit kong makawala doon sa pagkakayakap niya sa akin. Pero sadyang mahigpit talaga ang pagkakayakap niya. At mainit. Iba yung init ng katawan niya.. May isa sa parte ng katawan ko na nagsasabing yakapin ko lang siya.

" Sorry.. Anak at ipinimigay kita. Kasi kailangan! Kailangan kitang protektahan.. Kung may hinanakit ka sa akin.. Pwede mo ng gawin sa akin ang mga gusto mo. Saktan mo ako! Pahirapan mo ako! Basta sa ikakasaya mo ay sa ikakapatawad ko. " sabay bitaw niya sa akin at tumayo na tila handang masaktan at mabugbog.

Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit. Hinanda ko ang kamay at sinampal ko siya sa may pisngi. Hinawakan niya sandali yung pisngi niya at..

" Sampalin mo pa ako! " Pinagbigyan ko siya at sinampal ko ulit. Hindi ko siya sinampal dahil galit ako sa kanya.. Sinampal ko siya para matauhan.

" Sa tingin mo, ganoon akong klase ng tao ha, Ma!? "

" Ma.. " nakangiti niyang sabi. Siguro masaya siya na sa unang pagkakataon ay tinawag ko siyang ma. Ikaw ba naman mahiwalay sa anak mo ng 18years.

" Hindi ako pinalaki nila Mama Jonah na ganoong tao! Kahit naiinis ako, nagagalit ako sa inyo! Hindi pa rin nila sinasabi sa akin na masama kayong tao! Sahalip, sinasabi nila na isa raw kayong mabuting tao! Sa tingin nyo, ganoon akong kasamang anak! "

Halo halo ang naramdaman ko ngayong narinig ko sa kanya ang salitang anak. Kaba.. Takot.. Saya.. Inis. Lahat lahat yan, parang naramdaman ko ng sabay.

Kaba at takot kasi ang kinikilala ko pa lang principal ay tunay ko palang nanay. Saya, kasi nandiyan na siya sa harapan ko.. Ang matagal ko ng taong hinahanap. Ang taong nagbigay talaga sa akin ng buhay. At syempre inis, kasi matagal na akong nandito sa AH, hindi man lang niya ako sinabihan. Hindi man lang niya sabihin na isa lang yung sikreto. Pinatagal niya pa ng ganito!

Umiiyak na ako ngayon sa sakit at ligaya. Tears of joys.

Niyakap niya ulit ako..

" Anak sorry.. Nagpapasalamat ako kanila Jonah, at hindi ka nila pinabayaan at pinalaki ka ni lang mabuti. Sorry talaga anak.. Kailangan eh " mangiyak ngiyak na paghingi ng tawad ni Mama..

*****

Pagkatapos naming magyakapan at mahimasmasan.. Nagpasya kami na gawing sikreto raw yun. Para daw sa kaligtasan ko. Tinanong ko siya kung ano talaga ang nangyari kung bakit nila ako pinamigay...

*Flashback*

Adeline's POV

" Handa na ba kayo mamaya!? " Sigaw ko sa mga kakampi kong Wizards. Natunugan kasi naming mamaya ay lulusob sila Gildarts, ang heneral o hari ng mga black wizards, mamayang gabi. Kaya naghahanda na kami ngayon para sa pagsalakay nila sa amin.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon