Chapter 16 - Time and Symphony

3.3K 109 10
                                    

Oh yeah! 10K reads na po tayo! Mahal na mahal na mahal na mahal parin ang presyo ng bigas. Joke lang hahahahaha. Pero ang totoo, naiinggit ako sa gas. Buti pa siya, kapag nagmamahal.. Madaming nakakapansin. Pero kapag ako, wala kahit isa nakakapan--

Clyte : Oy Author! TAMA NA DRAMA! SABUNUTAN KITA DIYAN EH! UMPISAHAN MO NA YUNG STORY LITSI!

Opo.. Opo.. Yan na po.. So yun na nga! I p-plug pa rin ng walang kwentang author na to ang kanyang bago at wala ring kwentang story. Twisted Fate. Promise po! Nakakatawa po yan! Rom-Com po..

*****

Clyte's POV

Ipinabalik na ako ni Mama sa may room namin..

Nadatnan ko si Cy doon sa may room. Siya lang mag isa.

" Oh ate! Ano ang pinag usapan nyo ni Mam Adeline? " sabi ni Cy. Tignan mo to.. Kala mong close kami, FC talaga. Ts.

" Wala ka ng paki alam doon. " sabay upo ko doon sa upuan ko.

" May itatanong ako sayo.. "

" Ano yun ate? "

" Kala ko ba.. May misyon ka? Bakit ayaw mo pa gawin.. Ngayon na. " pang aasar ko sa kanya. Tignan natin kung kakagat ka sa patibong ko.

Tumayo siya at inakbayan ako.

" Wag kang mag alala ate.. Malapit na. Malapit na. " bulong niya sa akin. At umalis sa room habang tumatawa..

Ano ba yan! Mas malala pa ata tong babae sa telerye sa galing mambitin! Kala ko pa naman sasabihin na niya yung tunay niyang pakay kaso hindi.

Pati kung may gagawin siya sa akin, bakit hindi niya pa ginagawa ngayon. Magandang pagkakataon na yung kanina na kaming dalawa lang ang nasa room. Kahit kailan talaga.. Kahit magkamukha kami, mas mahirap pa pala alamin ang takbo ng isip nitong Cy.

Pati, bakit kasabayan niya sila Melody at Blake? Ano yun!? Clone pa rin ba? Or, coincedence lang na nakasabayan nila si Cy? Pati kung taga DF yan si Cy, paano yan nakapasok dito sa AH at nakapag-enroll!!

OMG!! Ang sakit ng ulo ko.. Nakaka-ubos ng brain cells tong ginagawa ko.. Buti na lang talaga at nandiyan siya para sa akin. Siya na handang tumulong sa akin anytime. Siya na laging nagpapasaya ng buhay ko araw-araw -- at siya si PAGKAIN.

" Hintayin mo ako, my favorite cupcake and my favorite chicken!! Nandiyan na si Bebe! " Sabay takbo ko papalabas ng room.. Kaso may humadlang sa pagmamahalan namin, dumating dito ang dabarkads. Sila Seiji, Risz, Melody at Blake.

" Yo Clyte! " Nakangiti na bati ni Blake at Risz habang kumakaway. Yung dalawa naman sila Seiji at Melody ay siguradong magkakasundo sa patahimikan.

Kinawayan ko lang din sila at umupo ulit sa upuan. Hindi naman talaga ako gutom, kaso nga lang gustung gusto ko talagang makita sila Fried Chicken!!

" B-bakit nga pala kayo nandito? HA!? " nakanguso kong tanong sa kanila. Naudlot kasi yung stresa eating ko. Pero oks na yun! At least hindi madadagdagan tong taba ko sa katawan.

Sumimangot si Blake dahil sa malungkot kong pagtanggap sa kanila at nilapitan ako.

" Ikaw naman talaga Clyte oh! Ganyan ka na pala kalamig sa amin ni Melody.. Hindi mo sinabi na naalala mo na pala yung lalaki na yan! " sabay turo kay Seiji

Yeah.. Tama kayo ng pagkakakilala kay Blake. May pagka-seloso yang lalaki na yan. Malala pa yan kaysa kay Melody sa pagiging babae. Pero hindi siya bading ah. Ganyan talaga ugali niyang bestfriend ko.

Oo nga Clyte! I hate you na!

Nakanguso na pahayag ni Melody habang pinapakita sa amin yung sketchpad niya.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon