3rd Person's View
" May iiutos ako sa iyo. Kunin mo ang anak ko! " Nakangiting sabi nung papa ni Clyte.
" Masusunod, aking ama. " sabay alis nung babae.
Pagkatapos siyang utusan ng kanyang tatay, ay nag cast agad siya ng Portal Spell.
" Mauna na po ako, aking ama! " sabi nung babae sabay pasok doon sa portal.
*****
Pagkalapag niya sa Affinity High, ay agad nakita ng babae si Clyte na nakikipag usap kay Seiji.
" Nahanap rin kita... Ate " bulong ng babae sabay ngiti.
Pero syempre, dahil balot na balot siya ng itim na kapa, agad rin siyang nagtago doon sa may damuhan.
" Seiji. Ito ang usapan natin.Una! Dapat, maliligo lang tayo kapag nakabalik na ang isa sa atin sa tunay nating katawan. " sabi ni Clyte habang nandoon sa likod ng school.
Nakikipagkontrata kasi siya kay Seiji, kung ano ang gagawin nila sa Human World. Iniisip kasi ni Clyte na baka kung anong gawing kalokohan ni Seiji sa katawan niya.
" Pangalawa. Dapat wala kang gagawing kalokohan sa room ko. At syempre, ako rin. Wala rin akong gagawin sa room mo in Human World. "
Tinitigan lang siya ni Seiji at tango lang ng tango. Pero dahil naiirita si Clyte sa pagtitig ni Seiji, tumatalikod siya.
" Ehem! Ehem! " sabay harap niya ulit kay Seiji at nagsalita habang nakaringin sa baba.
" P-pangatlo. I-iba ang u-ugali ko sa bahay. K-kung ganito ako dito sa school " sabay tingin niya ulit sa likod. Namumula na si Clyte.
" I-iba rin ako sa b-bahay. " bulong niya.
Tumawa si Seiji. Yung pilit lang, pero narinig yun ni Clyte.
" B-bakit!? " biglang harap niya at ngayon, mukhang inis na inis na si Clyte
" Ha!? " gulat na gulat na sabi ni Seiji " Bakit? May sinasabi ka Clyte? " pagpapatuloy ni Seiji.
" W-wala! " Sabay huminga ng malalim " Lets back to our contract, so 'yun na nga. Ang pangalan ng Mama ko ay Jonah. Samantalang ang papa ko, ang pangalan niya ay Remi. Maging mabait ka sa kanila "
" At isa pa pala, 'wag ka na lang lalabas ng bahay, para hindi mo makasalubong yung mga kakilala ko. Eh ikaw, ano pangalan ng mga magulang mo? " pagpapatuloy ni Clyte.
Hindi sumagot si Seiji. Ramdam mo na nagbago bigla yung mood at aura niya.
" Wag mo na lang tanungin. " sabi ni Seiji sabay alis na nakatungo.
Tinignan lang ni Clyte si Seiji habang papalayo sa kanya. Hindi na niya tinanong si Seiji kung bakit kasi alam niyang may dahilan.
" Sa tingin ko, ito na ang tamang oras. " sabi nung babae sabay labas doon sa pagkakatago.
" Clone Magics: Seiji " cast ng spell nung babae sabay labas nung kamukha ni Seiji.
" Seiji, teka. Kala ko umalis ka na. " sabay turo doon sa direksyon na pinuntahan ng tunay na Seiji. " P-pati Seiji! S-sino yang kasama mo!? "
Ngumiti lang yung babae.
" Seiji, alam mo na ang gagawin mo. " ma-otoridad na sabi nung babae.
Walang emosyon na tumakbo yung clone ni Seiji kay Clyte at nag cast ng spell.
" Fire Breathe "
Nakatalon naman agad si Clyte. Pero nasunog yung medyas at sapatos niya.
" Ahh! Aray aray! " nasabi na lang ni Clyte dahil sa sobrang init.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...