Hi there! May bago po akong story... Teen fiction po siya. Title: Twisted Fate
Sana suportahan nyo rin po yun. Wag po kayo mag alala. Hindi po ma aapektuhan yung Coming UD ng AH.
*****
Clyte's POV
" Wag kang maingay.. Nandiyan sila.. " bulong ni Seiji sa akin
Titingin sana ako doon sa sinabi niya pero pinigilan niya ako...
Kahit isang glimpse lang ang nakita ko. Alam kong nakita rin ako nung taong naka kapa...
" AYUN SILA! " Sabi nung mga tao na nakaitim na kapa. Sila nanaman to. Hayzzz... Walang kadala-dala.
" Fire Breathe " cast ng spell nung isa. Nakatalon naman kami at nakailag. Pero, yung love ko!! Nasunog!
Tinignan ko sila ng masama. Kasi sinunog nila yung Parfait ko. Mag cacast na sana ako ng spell pero hinawakan ako ni Seiji sa kamay.
" Bakit!? " tanong ko. Umiling lang siya sa akin at itinuro yung mga tao...
Tinignan ko sila. Kitang kita kong takot na takot sila at syempre gulat na gulat sa ginawa nung lalaki. Oo nga pala! Bawal kami magpakita ng kapangyarihan dito. Ngayong wala kaming kapa, hindi katulad ng mga lalaking to... Alam kong mahihirapan talaga kami dito.
" Ilag! " sabay tulak sa akin ni Seiji. Natumba kami sa sahig.
" Pagkabilang kong tatlo, tatakbo tayo palabas " bulong niya sa akin habang nakatumba kaming parehas.
" 3 "
" 2 "
" 1 "
" Takbo "
Tumakbo kami ng mabilis mula sa pagkakatumba namin.
" Flash! " Cast ng spell ko at dahil doon biglang lumiwanag sa buong cafe. Wala kaming makita. Sobrang liwanag.
Napatigil ako dahil wala akong makita. Pero hinila lang ako ni Seiji papalayo.
" Mawawala na yung light magic mo, makikita na nila tayo. Mas mabuting pumunta tayo sa school " sabi ni Seiji.
Tumango lang ako at binilisan yung pagtakbo. Naisip ko kasing tama si Seiji sa pagpili ng school namin. Kasi nung nandoon kaming dalawa, napansin naming walang katao tao ni isa. Kaya tama lang doon kami maglaban, walang makakakita sa amin.
Nung makalayo layo na kami, nakita kong sinusundan na kami nung mga lalaki. Pero may napansin ako, may isang maliit na tao sa may likod. Kasing laki niya yung babaeng naka itim na umataki sa akin. Hindi kaya? Pero, parang imposible naman ata yun. Paano nila kami nasundan hanggang dito?
Nagcast nanaman sila ng spell...
" Lunar Dash! " cast ng spell nung isa sabay labas nung sobrang liwanag na bola. Binilisan pa namin lalo yung pagtakbo kaya hindi kami natamaan.
Pero teka... Parang alam ko ata kung kanino yun ah! Kay Risz! Lumingon ulit ako sa kanila at nakita kong kasing hubog ng katawan ni Risz yung humahabol sa amin. At may napansin akong babaeng naka kapa doon sa may likod. Kamukhang kamukha niya yung babae dati.
Biglang tumigil sa pagkakatakbo si Seiji...
" Nandito na tayo. " aniya. Tumigil na rin ako. Sa wakas! Hindi ko na kailangan magpigil. Naiirita na kasi ako, takbo lang kami ng takbo eh may kapangyarihan naman kami.
Mga ilang sandali, dumating na rin yung mga humahabol sa amin...
" Oh bakit kayo tumigil? Susuko na ba kayo? " Ang yabang talaga ng babae na to! Susuko? Kami? Wala ata sa bokabularyo ko ang salitang susuko.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...