And again, author's here! Sorry again! Hindi ko nanaman nagawa 'yung na-set ko na date. Sobra as in, sobrang hectic talaga ng schedule ko.
Sinisingit ko lang talaga ang pag-update kapag medyo nakakaluwag ako. So 'yun na nga! Thanks ulit sa walang sawang pagbabasa ng AH♥ Thank you guys!
*****
Clyte's POV
" Tulong!! May black wizard dito! Tulong! " Sigaw niya. At dahil doon, biglang may narinig akong mga yapak na papunta sa amin.
Medyo kinabahan ako kaya agad ko siyang binitawan at lumayo sa kanya.
" O bakit ka tumigil? " nakangisi niyang tanong habang nakahawak doon sa balat niyang napaso dahil sa ginawa ko.
Well, bagay lang sa kanya 'yan! Nakuha niya pa talagang ngumiti sa kabila ng hapdi. Nakakagigil talaga!
Sasagutin ko pa sana s'ya pero biglang dumating 'yung ibang estudyante ng AH." Oh nasa'n na 'yung black magician? " tanong n'ong isa habang hinahabol 'yung kanyang paghinga.
Tinignan ako ni Cy sa mata at unting unti gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha. Itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro niya ang kanyang daliri sa akin.
" S'ya! S'ya 'yung black magician! S'ya 'yung nanakit sa akin! " Kunyaring takot na takot na sigaw ni Cy habang tinuturo ako.
Nagtatakang itinuro ko ang sarili ko.
" A-ako!? "
Tss.. Kahit kailan talaga ang galing gumawa ng kaguluhan at kasinungalingan ng babaeng 'to. Dapat talaga siyang parangalan kasama syempre si Emerald. Ang galing galing!
Sinamaan ko ng tingin si Cy at syempre 'yung ibang estudyante para malaman nilang seryoso ako.
" Sa tingin nyo, isa akong black magician? Sino ang papaniwalaan nyo? Ako o siya na kakadating lang dito mula sa kung saan? " tanong ko.
Napaisip sila ng ilang sandali. Kung titignan kasi, ako dapat ang kanilang paniwalaan. Kaysa sa sinungaling na babaeng 'yan!
" Ahh! A-aray! " Pag-iinarte ni Cy habang hawak hawak pa rin 'yung sugat na gawa ko. " Hindi nyo pa ba napapansin na itim 'yung mga apoy niya!? Ibig sabihin lang nun, isa siyang black magician! "
Dahil sa galing ng pagkukunwari ni Cy, nabaligtad ang pangyayari. Simamaan ako ng tingin ng ilang estudyante at naghanda para sa isang laban.
Gusto nyo ng laban!? Sige lang! Pagbibigyan ko kayo! Lalo ng wala akong mapagbalingan ng galit ko, sorry na lang kayo.
Walang anu-ano, sabay sabay na tumakbo at sumugod 'yung mga lalaking wizards sa akin.
" Fire wheel of the dragon! "
" Freezing tomb! "
Sabay sabay na cast nila sa akin. Pero dahil, wala na ako wisyo makipagbiruan.. Naiwasan ko ang mga 'to ng mabilis.
" 'Yan na ba 'yun!? Pagkatapos nyo siyang paniwalaan at atakehin ako!? 'Yun na 'yun!? " sabay layo ko sa kanila ng ilang metro.
Dahil na rin siguro sa galit ko, hindi ko na mapigilang lumabas ang mga gan'ong salita. Nainis ata sila sa mga nasabi ko.
Sabay sabay, kasama na rin 'yung mga babae.. Sabay sabay na nila ako inatake. Samantalang nakangisi lang sa malayo si Cy habang pinapanood ako. Ginantihan ko lang din siya ng ngiti. Ipapakita ko sa kanya, kung paano ako magalit.
Habang inaatake ako ng malapitan nung mga lalake, nagka-cast naman ng spell 'yung mga babae sa likod.
Talon dito, talon doon. Iniiwasan ko lang 'yung mga spell nila na parang nasayaw. Parang akong isang balerina sa pinaggagawa ko.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...