Sorry kung natatagalan na 'yung UD nitong AH. Masyado na po kasi akong busy sa school. Kala ko po pagkatapos ng test, magiging maluwag na ako.
Akala ko lang pala 'yon. Mas magiging busy pa pala ako. Ahahaha.
Ito na po ang pangalawang chapter bago matapos 'tong story. Hindi po ako gagawa ng Epilogue kasi gagawa po ako ng sequel nitong story.
'Yun lang po! Thank you ulit :)
*****
Seiji's POV
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Nararamdaman ko kasing sobrang lakas nitong kalaban namin ni Ma'am Adeline.
Pag-apak pa lang namin dito sa DF Academy, nakaramdam na ako ng kakaibang kapangyarihan. Ngayon, napagtanto ko na sa kanya nga nanggaling 'yung kapangyarihan na 'yun.
"Ma'am, ayos lang po kayo---" Natigilan ako dahil itinulak niya ako biglaan.
Kaya niya pala ako tinulak dahil may tatama sa aking itim na apoy. Tama ba ang nakita ko? Itim na apoy? Ibig sabihin ba nito... Siya 'yung tatay ni Clyte?
"A-ayos lang ako. 'Wag mo na akong pansinin, intindihin mo na lang si Clyte. Ako na bahala dito."
Tinignan ko si Clyte. Wala pa rin siyang pagbabago. Parang siyang nahihirapan. Nahihirapan dahil nakikipaglaban siya mismo sa kanyang sarili.
Tatakbo na sana ako papunta kay Clyte nang bigla niya akong pinigilan.
"Teka Seiji... Tanda mo pa ba 'yung ibinigay ko sa'yong espada?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"Kung gan'on, ito na ang tamang oras para gamitin mo 'yon." Sabay talon ni Ma'am papalayo sa akin. Muntikan na pala s'yang matamaan na naman nung itim na apoy.
"Pero paano po?"
"Hindi ko alam. Ikaw lang mismo ang makakagamit at makakapagpalabas nito. Basta nagtitiwala ako sa'yo! Kaya mo 'yan!" Sabay takbo niya doon sa Papa ni Clyte.
Kahit hindi ko pa rin alam kung paano ko gagamitin 'yung espada na 'yun, ginamit ko na 'yung pagkakataon na tumakbo papunta kay Clyte.
"Ops ops ops! Saan ka pupunta?" Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot 'yung Papa ni Clyte sa aking harapan. Paano niya ginawa mo 'yon? Sobrang bilis naman niya ata.
"Freezing Spear!" Sabay bato ko sa kanya ng isang mahabang spear ng yelo.
Dahil malapit lang ang aming agwat, tumama agad ito sa kanya dahilan para siya ay magyelo.
Tumakbo naman agad ako papalapit kay Clyte nang biglang... May humawak sa aking kamay. Sinusunog niya ang aking kamay.
"Kala mo gan'on lang ako kabilis mapatigil? D'yan ka nagkakamali." Mas nilakasan n'ya pa 'yung apoy. Sumisigaw na ako sa sobrang sakit.
"Ako ang kalaban mo Gildarts, hindi s'ya!" Nawala bigla 'yung kamay na nakahawak sa akin nang makaramdam ako ng kalabog sa aking tabi. Ginamitan pala ni Ma'am ng spell 'yung Papa ni Clyte.
Tinignan ako ni Ma'am at itinuro n'ya si Clyte. "Tulungan mo si Clyte! Ako na bahala dito!"
Sa tuwing papalapit ako ng papalapit kay Clyte, gumagawa ng paraan 'yung Papa ni Clyte para ako ay kanyang pigilan. Bigla bigla na lang siyang sumusulpot kung saan kahit na siya ay inaatake ni Ma'am.
BINABASA MO ANG
Affinity High
Fantasy[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partner. Almost of the magics kasi dito kailangan ng Affinity ng bawat magpartner sa isa't isa. The more...