Chapter 8

5.1K 230 30
                                    

*Flashback*

Seiji's POV

" Salamat, salamat sa lahat lahat...hmm? " tanong ni Clyte.

" Seiji. Seiji Galvez. " nakangiti kong sabi. Kung tutuusin sayo dapat ako magpasalamat, dahil sayo natuto akong magsikap. Naging inspirasyon ka sa isang tao na katulad ko.

" Seiji. Hinding hindi ko yan kakalimutan. Salamat uli! " sabay alis niya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ano nga bang araw ngayon? Ahmmm... April 25 right? Tatandaan kong ang araw na to ay ang araw na nakausap ko at nakilala ko ng lubusan si Clyte. Sana magtuloy tuloy na to.

" Excited na akong makita ka, Clyte! " Sabay alis ko na rin sa garden.

*****

Bago ako makauwi sa bahay, may nadaanan akong kumpol ng tao sa isang kalye. May ambulansya at talsik ng dugo sa paligid.

" Kawawa naman siya. "

" Oo nga, kabata bata pa naman niya. "

" At ang masama, tinakasan pa siya nung nakabangga. TSK TSK TSK! "

Hindi sa tsismoso o usisero ako, pero parang may humihila sa akin papunta doon.

" Excuse me po. " sabi ko doon sa taong nakapaligid sa ambulansya. Tinignan lang nila ako. Mga 5 segundo siguro. Na starstruck ata.

" Excuse me po. " pag uulit ko.

" Ay sorry. " sabay tabi nila

" Excuse me po. " sabi ko naman doon sa ibang tao.

Pinadaan naman nila ako agad. Kaso hindi ko nakita yung taong na aksidente, kakaalis lang kasi nung ambulansya.

Tumingin tingin ako sa paligid para tignan kung may naiwang gamit yung biktima. Pero wala akong nakita kundi dugo.

*****

" Wala nanaman si Clyte. " sabi ni Blake habang nakatingin doon sa upuan ni Clyte.

Nagtaas ng parang sketchpad si Melody. Nakalagay dito ay...

Bakit kaya? Dalawang araw na siyang absent. Puntahan kaya natin siya.

Hindi naman sa pipe si Melody, pero sabi ng mga kaklase ko, si Melody daw ang klase ng tao na minsan mo lang marinig magsalita. Walang nakaka alam kung bakit. Kaya nagamit siya ng sketchpad para masabi yung gusto niyang sabihin.

Kala ko pa naman magiging mag kaibigan na kami ni Clyte kinabukasan. Ayon nga sa sinabi ni Melody, 2 araw ko nang hinihintay bumalik si Clyte. Kung kailan pa naman kami naging close, nangyari pa to. Nag aalala na tuloy ako sa kanya.

*****

Mga isang linggo ang nakalipas, ay pumasok na rin sa wakas si Clyte.

At ang kataka taka ng kinausap ko siya ay hindi nya ako matandaan.

" Clyte ako to! Si Seiji! " pagpupumilit ko habang nasa harapan niya ako.

" Eh? Sinong Seiji? Teka teka, sino ka ba? "

" Clyte, nakalimutan mo na ba ako? "

" Ha?! Eh hindi nga kita kilala. Pinagloloko mo ba ako? " nakasiring na tanong ni Clyte. Teka, may nangyari ba na hindi ko alam. Isang linggo lang naman ang nakalipas ah. Nakalimutan niya na ako?

" OKAY CLASS! Go back to your sit. " sabi ni Mam na biglang pumasok sa room.

Hinintay kong matapos ang klase at nakipagkita ako kanila Blake at Melody.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon