Chapter 30

2K 77 5
                                    

May magiging book 2 po itong Affinity High. Inuulit ko po, may book 2 po ang Affinity High.

Kailan? Hindi pa po sure eh. Pagkatapos kasi ng story, ie-edit ko pa po ang buong story. Para kahit paano po, maayos ko po ‘yung plot holes at errors nitong story.

‘Yun lang po sa ngayon. Enjoy reading.

*****

Seiji’s POV

"Oo Cy... Alam ko 'yun. Pero sorry rin, hindi ko na kailangan 'yun. Hindi mo na ako kailangang bantayan dahil.. Tapos na ang lahat."

Inilingon ko ang aking paningin sa aking likuran. Nakita ko si Clyte. Pero paano? Hindi ko naman naramdaman ang kapangyarihan niya ah. Pati hindi ganito mag-salita si Clyte.

Aaminin ko, may pagka-maldita si Clyte. Pero, hindi naman siya ganitong mag-salita lalong lalo na sa mga taong may kaugnayan sa kanya.

Pati bakit ganito siya umasta? Nakasuot pa siya ng purong itim na gown at may korona pa siya sa kanyang ulo.

“Ano ba ang pinagsasabi mo?” Sabay tayo ko mula doon sa pagkakahawak ko kay Cy na nawala na.

Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako. Parang ibang tao ang nasa aking harapan. Parang hindi si Clyte.

Ngumisi siya sabay umikot ikot sa akin.

“Tutal namang matalino ka Seiji.. Ano kaya sa tingin mo ang sinabi ko?” Sumimangot ang kanyang mukha na parang nang-aasar.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sumagot pero...

“Kawawa ka naman Seiji... Hindi ko na kailangan ang sagot mo!” Sabay suntok niya sa aking tiyan. Ang sakit dahil may halo itong itim na apoy.

“Seiji!” Sigaw nila Blake at Melody na magtatangkang pumunta sa akin.

“‘Wag! Kaya ko ‘to! Tumakas na kayo, laban namin ‘tong dalawa.” pagpupumigil ko sa kanilang dalawa habang pinipilit kong tumayo.

“Sigurado ka?” Makikita mo sa mukha ni Melody ang pag-alala. Hindi ko alam kung para kanino. Kasi alam ko naman na mas mahalaga si Clyte para sa kanya kaysa sa akin.

Tumango lang ako at ngumiti “Sino ba ang kinakausap mo?” pagmamayabang ko.

Tumawa lang sila Melody at bumalik doon papunta kanila Ma’am Adeline para tumulong. Ngayon, wala ng abala sa aming dalawa.

Kinusot kusot niya kunyari ang kanyang mata.

“Kakaiyak naman... Tapos ka na Seiji?” Pang-aasar niya sabay naghanda ng kanyang itim na apoy sa kanyang dalawang kamay.

“Oo” sabay labas ko naman ng dalawang bola ng apat kong element. “Kung matatalo ba kita, babalik ka sa dati?”

Tumawa siya ng malakas na kala mong sobrang nakakatawa ng sinabi ko. Pero masyado namang halata na hindi ako nagbibiro. Totoo lahat ng aking sinasabi. Kung kakailanganin, handa akong saktan siya para lang bumalik siya sa dati.

“Eh kung ayaw ko,” nagulat na lang ako ng may narandaman ako sa aking sikmura. “May magagawa ka?”

Ang bilis niya! Kailan pa siya naging ganito kabilis? Si Clyte ba talaga ‘to?

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon