Chapter 28

2.1K 84 13
                                    

Malapit ko na makita ang katapusan nitong story. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Nakakalungkot lang kasi na matatapos na 'tong pinaghirapan ko ng ilang buwan. Haist! Ang bilis talaga ng panahon.

Salamat ulit sa nagbabasa nitong Affinity High! Maraming maraming salamat!

*****

Clyte's POV

Kahit mahirap... Basta kay Seiji, sasama na ako sa kanila. Salamat na lang sa'yo Seiji at pinasaya mo ako kahit paano. Kahit sandali lang tayo nag-kasama muli... Salamat.

"Sasama na ako."

Gumuhit ang ngiti sa kanilang mukha ng marinig nila ang salitang ' yon.

Naiinis ako sa sarili ko. Kahit kailan talaga, napaka-walang kwenta nitong kapangyarihan ko sa simula pa lang. Hindi ko man lang 'to mapakinabangan sa mga ganitong bagay.

"Pero..." Napa-kagat na lang ako sa aking labi.. Hindi ko kasi alam kung papayag sila o hindi.

"Pero ano?"

"P-pero... Pwede ba? P-pwede ba ako mag-paalam sa kanya? Kahit sandali lang?" Sabay punas ko ng luha sa aking mukha. "Hindi ako tatakas. Kahit isang sandali lang."

Lumayo sila mula kay Seiji pero nakahanda pa rin silang umatake anumang oras.

"O sige.. Pero alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari kapag may ginawa kang 'di ka-nais nais.

Lumapit ako kay Seiji. Hinaplos haplos ko ang kanyang walang malay na mukha.

"Sorry ahh.. Magkaka-layo na naman tayo."

Kahit na napunasan ko na ang aking nga luha, wala pa rin itong humpay sa pag-tulo. Hindi ko mapigilan. Ang sakit sakit. Panandalian lang pala ang lahat.

Hinubad ko 'yung kwintas na binigay niya sa akin at inilagay ko ito sa kanyang kamay.

"Alam kong hindi rin 'to magtatagal." sabay halik ko sa kanyang pisngi "Bye, Seiji."

Hindi na ako natatakot sa pwedeng mangyari sa akin. Basta ang nasa isip ko lang ay nasa mabuting kalagayan si Seiji. Para kahit sa oras naman na ito, ako naman ang magsa-sakripisyo.

Pagkatapos n'on.. Nilagyan nila ako ng isang sobrang higpit na spell-fortified na bracelet. Hindi ko na kasi maramdaman ang kapangyarihan ko. Pakiramdam ko, pinipigilan ng bagay na 'to ang aking kapangyarihan.

"Saan ba tayo pupunta?"

Bumalik na naman 'yung ngiti niya na nakaka-tindig balahibo. Ba't ba ang creepy nila ngumiti?

"Sa inyong buthiin na ama, aming... Prinsesa!" sabay tawa niya ng sobrang lakas.

Lumapit siya sa akin at hinila ako sa ginawa niyang maitim na portal. Portal na papunta sa mundo ng mga black wizards, ang Deathfire Academy.

"Hinay-hinay lang... Hindi ako tatakas. Pati isa pa, ang sakit na ah!" Nasabi ko na lang dahil sa sobrang higpit niyang makahawak sa akin.

Hindi niya pa rin ako binitawan, bagkos mas nilakasan niya pa ito. Sinabutan ako ng isa at hinila papuntang portal.

"K-kala ko ba prinsesa n'yo ako? Pero bakit ganito ang trato n'yo sa akin?"

Nagtinginan silang lahat sa isa't isa at sabay sabay tumawa. Nagbibiro ba ako?

Biglang dumililm ang lahat. Nagbago ang pakiramdam ko pagkatungtong ko pa lang sa lugar na ito.

Ang dilim ng paligid. Buhay na parang monster 'yung mga puno dito.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon