Chapter 12

4.5K 160 5
                                    

Clyte's POV

" Maligayang pagbabalik, master! " sabi nung parang butler na biglang sumulpot sa may likuran ko.

" Nasaan sila Mama at Papa? " tanong ko. Nacurious kasi ako nung hindi ako sinagot ni Seiji nung tinanong ko siya...

Nakita kong parang nagulat pa yung butler sa tinanong ko.

" Hindi nyo po ba natatandaan? " sabi niya.

" Hindi eh " sabi ko.

" Matagal na pong hindi nauwi ang mama at papa nyo. "

Natahimik ako sa mga narinig ko. May mga tanong na biglaang pumasok sa isip ko. Sa ngayon, ayaw ko muna maki alam. Hahayaan kong si Seiji na ang magpaliwanag sa akin.

Hahayaan ko siyang ilabas ang mga hinanakit at lungkot na itinatago niya. Kung mayroon man.

" Ah... Eh... Sino ka nga ulit? " tanong ko. Malay ko ba na may butler pala sila.

" I'm Clause, Master. Siguro nga po, dahil sa sobrang pag aaral nyo sa School, ay nakalimutan nyo na ako. " pabiro nyang sabi. Feeling ko, nililibang niya ako. Parang may ayaw siyang ipa-alala sa akin.

" T-teka! P-paano mo nalaman ang tungkol sa Aff---? " gulat na gulat kong sabi. Akala ko ba, sikreto lang ang tungkol sa AH!? Pero bakit may mga normal na tao ang nakaka-alam nito?

" Wag nga po kayo mag biro master! " sabi niya sabay tawa. " K-Kayo po mismo ang nag-sabi sa akin. Nakalimutan niyo na rin po? " So yun pala paliwanag niya...

Tumigil siya sa pagtawa at isinama ako sa isang room...

" Umupo muna kayo. " sabi niya at umalis.

Mga ilang segundo, bumalik agad to. At may hawak ng isang magandang tray. Nakalagay dito ang isang slice ng Cake and a cup of tea.

Dinala niya sa akin ito at pumunta sa may tabi ko.

" N-ngayon ko na lang po kayo napagsilbihan ng ganito. K-kaya, kung maaari master. Utusan nyo lang po ako " Nakita kong umiiyak siya. Pero at the same time, nakangiti rin siya.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kahit isa lang siyang butler, parang naramdaman ko rin yung pag kakaulila niya kay Seiji.

Naramdaman kong niyakap niya ako. At dahil dito, napaluha na rin ako...

" M-master... M-matagal ko na po kayo hinihintay. " mangiyakngiyak niyang sabi sa akin.

Sa nararamdaman ko ngayon, masasabi kong parang ang ganda ng pagsasama nila Clause at Seiji. Parang si Clause na ata ang tumayong magulang kay Seiji.

Mga ilang segundo lamang ay tinanggal niya yung pagkakayakap sa akin...

" S-sorry master! Nadala lang po ako. " sabay tumalikod siya " M-maiwan ko po muna kayo. Kung may kailangan po kayo, tawagin nyo lang po ako. " sabi ni Clause at umalis.

Tinapos ko lang ang pagkain nung cake at umalis na rin ako.

Inikot ko yung mala mansion nilang bahay. Napansin kong sobrang tahimik talaga sa bahay na to. Parang walang tao. Napaisip tuloy ako kung may kapatid si Seiji o wala.

Kasi kahit kaming 3 lang sa bahay namin eh, hindi naman ganito. Hindi tulad dito, ang bahay namin ay parang night club na nakaopen 24 Hours, sa sobrang ingay. Nakakapanibago lang kasi na titira rin ako sa malungkot na bahay na to.

Pero, bakit ganoon? Hindi naman halata kay Seiji na nakatira siya sa bahay na walang maka-usap. Hindi halata sa kanya kasi, mukhang masiyahin naman siya.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon