Chapter 22 - Wish Battle - I

2.4K 94 13
                                    

Yow! Author’s here! Sa mga nagbabasa ng AH *bow* Maraming maraming maraming hipon sa labas, kaya mag ingat ka.

Joke!

Maraming maraming salamat po ulit sa pagbabasa ng AH! Love you much!

Ulit... Sa mga hindi pa po nakakabasa, may bago po akong story. Rom-Com po siya, Twisted Fate po ang title.

*****

Clyte’s POV

" May paraan pa po ba? "

Tumango siya pero ngayon, seryoso ang kanyang mga mata.

" Sa dadating na Wish Battle, kailangan mong manalo at lumaban ng... Mag-isa. "

Noong una, nag-alinlangan ako kung kaya ko bang mag-isang lumaban. Pero habang iniisip kong  kinalimutan ng lahat si Seiji, nag-iinit ang aking dugo.

“ Sige po. Sisiguraduhin ko pong mananalo po ako. ”

Hinawakan ako ni Mama sa aking ulo at ngumiti.

“ Mabuti! ” Sabay nag-cast siya ng spell “ The darkness will fade off, the light shall illuminate. From the secret magics of Light... Gift of Knowledge! ”

Biglang nanakit ang ulo ko at unting unting nag-iba ang aking paligid. Bumalik halos lahat ng nangyari sa akin mula ng ipaampon ako ni Mama.

Tawanan kasama sila Mama Jonah at Papa Remi. Ang saya.

Kwentuhan at biruan kasama sila Blake at Melody. Ang pagkakakilala ko kay Risz. Lahat ‘yun, napanood ko ng sabay sabay.

Lalong lalo na... Noong kinakainisan ko si Seiji dahil sa buhay niyang perpekto. Hanggang iligtas niya ako mula doon sa lalaking muntikan na akong patayin.

‘Yung contract namin, ‘yung pagka-special naming dalawa. ‘Yung pagsama niya sa akin mula noong nagka-amnesia niya sa akin. Hindi niya ako iniwan.

Noong inagaw siya sa akin ni Emerald. Hanggang sa bumalik ang lahat dahil sa first kiss namin, hindi niya ako iniwan.

Kahit na akala ko noon perpekto siya, hindi pala. Pero kahit ganoon, hindi niya ako iniwan.

Bakit ang tanga ko!? Bakit ngayon ko lang nakita ang lahat lahat ng ginawa sa akin ni Seiji? Bakit?

Biglang dumilim ang lahat ng aking paligid. Pilit kong binubuksan ang aking mata.

“ Anak, gising ka na pala. ” bati ni Mama sa akin.

“ Ma? Ano po nangyari? Ano po ‘yung ginawa niyo sa akin? ” Pag-uusisa ko.

Ngayon kasi, nararamdaman kong may inilagay talaga sa akin si Mama na kung ano. Ramdam ko.

Lumapit siya sa akin at hinimas ang aking ulo.

“ Regalo ko anak. Para makabawi naman ako sa lahat ng pagkukulang ko sa’yo. ” nakangiti pero may luha na pahayag sa akin ni Mama.

“ Pero po para saan? ” tanong ko.

Tumawa siya bigla. Parang tuloy siyang baliw, natawa habang naluha. At least ngayon, alam ko na kung kanino na ako nagmana.

“ Basta... Malalaman mo rin, pagdating ng panahon. ” tumayo siya at pinunasan ang kanyang luha sa mga mata.

“ O siya siya, pababalikin na kita. Mag-training ka kahit mag-isa. Tandaan mo anak, magaling ka. Kaya mo sila, kahit na ikaw lang kauna-unahang magician na lalaban sa Wish battle ng mag-isa. Love you anak! ” sabay cast niya ng teleportation spell.

Bago ako makapag-teleport, nginitian ko si Mama at “ I love you rin po. ”

Dumaretso na agad ako doon sa likod ng school para makapag-training. Gagalingan ko para sa’yo... Seiji.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon