Chapter 5

6.1K 266 36
                                    

Clyte's POV

Ang alam ko natalo namin sila Julius at Jocelyn, pero pagkatapos n'ong laban... Unting unting nanlabo ang aking paningin, umikot bigla ang aking paligid. Pagkatapos n'on, wala na akong maalala.

Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko, nakita ko si Seiji na nakatingin lang sa akin. Its kinda creepy. Kasi natutulog ako sa tabi niya, baka may gawin kasi siya sa akin na hindi kanais nais.

"N-nasaan ako!? A-at bakit ako nandito!?" Gulat na gulat kong tanong kay Seiji dahil biglang nasa kweba na ako. Parang kanila lang kasi nand'on lang ako tapos ganito.

Syempre, sino bang tao ang hindi magugulat kapag nahimatay ka then pagkagising mo nasa kuweba ka na. Pati hello? May kasama kang lalaki... Ano pa ba iisipin ko? Edi puro malisyosong---Ay ewan!

"Clyte, magpahinga ka muna sandali." sabay hawak niya sa akin, pilit niya akong pinapaupo muli.

"Hindi mo pa ako sinasagot... Nasaan ako? Pati ilang oras na ako dito?" Sabay siring ko sa kanya ng masama. Ayaw ko kasi siyang matawa sa tanong kong obvious.

Alam ko naman kasi na nasa kweba ako tapos ganito... Itatanong ko pa? Ts... Kahit kailan talaga Clyte. Kahit kailan talaga.

"Nandito tayo sa may kweba ng competition. Mga isang oras at kalahati ka pa lang naman natutulog dahil doon sa sugat mo. 'Wag ka na mag alala nagamot ko na yun." nakangiti na sabi ni Seiji.

Nakakatakot yung ngiti ni Seiji. Nakaramdam ako ng biglaang kaba at takot dito. Pakiramdan ko kasi na may gagawin s'yang masama sa akin. Pero ang kakaiba, nakaramdam ako ng excitement--What!? Excitement? Ano ba 'tong pinag-iisip ko.

"T-Teka! S-Sabi mo na mga 1 oras na ako n-nandito!? " lumayo ako sa kanya at tinignan siya ng masama mula ulo hanggang paa "Manyak!"

Mas lumayo pa ako sa kanya. Iba na talaga kasi ang nararamdaman ki eh. Napakamot na lang siya dahil sa sinabi ko.

"Clyte, ayan ka na naman eh! Sabi ko sa'yo, hindi ako ganyang tao" Lumapit siya sa akin at tinignan ako mata sa mata. "Maniwala ka."

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Namula rin ang aking pisngi. Sobrang lapit niya kasi sa akin. Magka-dikit na kasi ang aming ilong at halos mag-kiss na kami sa ginagawa namin.

"A-anong tingin 'yan!?" mautal utal kong tanong sa kanya sabay ibinaling ko ang aking paningin sa aking gilid. Hindi ko na kasi kakayanin, maii-ihi na ako anytime.

Buti na lang at may narinig akong sigaw at doon nabaling ang aming isip. Pero, parang pamilyar ata ang boses na 'yun. Boses na galing kay Risz.

"Ahh!" Pangalawang ulit ng sigaw ng boses na 'yun. Inisip kong mabuti hanggang sa mapagtanto kong sa kanya nga 'yung boses.

"Boses ni Risz 'yun! Tara na Seiji!"

Walang patumpik tumpik na pumunta kami ni Seiji doon sa lugar kung saan narinig ko yung boses ni Risz.

Kinakabahan kasi ako. Sa tono pa lang ng kanyang boses, mukhang kailangan niya ng tulong. Mas nag-aalala ako kay Risz dahil sa kanyang kapangyarihan. Ano ba naman kasi magagawa ng isang liwanag ng buwan?

"Naniniwala ka na?" sabay tanggal ni Seiji sa pagkakahawak ko sa kanya at humarang sa harapan ko.

Pilit kong lumampas sa kanya, pero wala. Nahaharangan niya pa rin ako.

"Na alin!?" Iritang irita kong tanong sa kanya. Ang galing naman kasi humanap ng lugar nitong lalaki na 'to eh. At kung kailan nagmamadali pa talaga ako. Tss..

"Na hindi ako ganoong klaseng tao." Pagpupumilit niya.

Nakakainis lang kasi 'yun lang pala ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaharang sa akin kaya naiinis talaga ako.

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon