Chapter 3

8.1K 299 32
                                    

A/N:

I dedicate this Chapter to @vjsalasac. Salamat koya sa walang sawa na pagbabasa, vote and comment sa mga stories ko. Kahit ganito lang sa paraan na 'to, matumbasan ko sana yung mga efforts mo. Thanks vj!

******

Clyte's POV

Daig ko pa ata 'yung bulateng natalsikan ng asin sa kakaikot sa higaan ko. Hindi ako makatulog. Hindi ako maka-get over doon sa ginawa ni Seiji lalong lalo na 'yung mukha nyang nakangiti. Hindi ko talaga yun makakalimutan.

Ano ba 'tong pinag iisip ko!? Kinikilig ba ako!? Masyado ko na bang iniisip si Seiji!?

Naalala ko tuloy 'yung pagkakahawak namin sa isa't isa. Naii-ihi ako. Iniisip ko pa lang, hindi na ako mapakali.

Pero.. Ang hindi ko talaga makakalimutan ay 'yung mga nangyari sa amin kanina.

Pagkatapos kasi naming makipag-contract sa isa't isa ay bumalik naman agad kami doon sa room. FYI, hindi nagkatotoo 'yung iniisip ko na mangyayari dapat sa aming dalawa. Yung... Alam mo na.

Nadatnan naming nakapamewang si Ma'am doon sa may bandang pintuan. Nakataas pa 'yung isa niyang kilay. Nakakatakot.

"Miss Cabrera at Mr. Galvez, saan kayo nanggaling? At ano 'tong sinasabi ng mga kakalase mo Ms.Cabrera na gumawa ka raw ng gulo dito sa room ko?"

What the!? Ha!? Ako pa ang may kasalanan? Ako pa ang gumawa ng gulo? Ano nanaman ang nangyari n'ong wala kami ni Seiji?

"Pero, Ma'am!"

Grabe naman 'tong mga kaklase ko! Naturingang mga lalaki daig pa ang mga bakla sa pag gawa ng mga kwento. Pati sila na nga ang nakapanakit, sila pa ang may ganang magsumbong!?

"Wala ng pero pero!" sabi ni Mam sabay turo doon sa daan papuntang principal's office. "Pumunta kayo sa Principal's Office at magpaliwanag!"

Napalunok na lang ako dahil sa tensyon na biglang sumulpot sa aking katawan. Grabe naman kasi 'to! Ako na nga napahiya, ako pa ang may kasalanan! Wow!

Habang papunta doon sa Principal's office, nakita ko 'yung mukha ng mga kaklase kong sobrang saya. At alam mo 'yung mukha nilang gusto mong sapakin sa sobrang nakakainis. Tss..

Nabaling ang aking paningin kay Risz. Bigla siyang tumayo at pumunta sa amin.

"M-ma'am! S-sasama po ako! Ako po ang magpapaliwanag ng nangyari." mautal utal na pahayag ni Risz.

Unting unting gumuhit ang ngiti sa aking mukha. Ang saya saya ko! Grabe Risz, ang bait bait mo!

"Thanks Risz." Napaluha tuloy ako. Hindi dahil sa natatakot ako sa pwedeng mangyari, kung hindi... Kahit saglit pa lang kami nagkakilala, napatunayan kong may tunay nga akong kaibigan.

Hinawakan niya 'yung hindi kong mapakaling kamay at nag-umpisa na kaming lumakad papunta doon sa office. Kinakabahan kasi ako. Pakiramdam ko kasi, may isang bagay doon sa lugar na 'yun ang humihila sa akin... Matagal na.

Ng makarating kami doon sa pinto.. Nag-cast si Ma'am ng isang spell.

"From the world of white magics, I open thee... Affinity High!"

Lumiwanag ng biglaan ang aking paligid. Biglang nagbago 'yung lahat ng lugar at 'yung kala mong simpleng pinto ay nag-transform into a portal.

"Halika na kayo at hinihintay na tayo ni Ma'am." sabay pasok ni Ma'am doon sa portal.

Kinabahan kami sa aming nakita. Nakakagulat lang kasi ng bigla siyang nawala. Naunang pumasok si Seiji at sumunod kaming dalawa ni Risz.

Pero teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Ma'am ba 'yung sinabi nya? Babae ang Principal ng Affinity High!? Akala ko...

Affinity HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon