Chapter 28

266 12 7
                                    

KAILANGAN KONG gumawa ng paraan. Iyan ang nabuo sa isip ko buong maghapon habang pinapakiramdaman ang dibdib kong nagwawala sa sobrang lakas ng tambol neto. Hindi ko alam at hindi na natahimik ang puso ko simula ng makita kong nakatingin siya sa akin kanina.

May sira ba puso ko? Basted na nga ako kagabi, gusto ko pa ngayong e-push? May sira na rin yata ang mga mata ko dahil pakiramdam ko may lumilipad na bulaklak sa tuwing makikita ko siya. Biglang sumobra ang kagwapuhan niya sa akin. Sira na nga yata mata ko.

Paano ko magugustuhan ang kagaya niyang masama ang ugali?

Hayss! Love is blind nga ba talaga? Sabi 'diba, love is not blind, only the lovers who refuses to see. Iyon nga nga siguro iyon. Tinamaan na siguro ako sa asawa. Gusto ko nga talaga siya.

Hinanda ko ang pagkaing kanina ko pa niluto pagkarating ko kaninang alas singko. Kailangan kong magpagood shot sa asawa, baka naman gurl 'diba?

Nilagay ko sa mangkok ang niluto kong paborito ni Rook na sinigang at ang piniritong isda with matching ampalaya. Nagtempla na rin ako ng juice baka naman gusto niya. Wala pa kasing nestea apple na paborito ko nakalimutang kong bumili.

Lumabas akong kusina upang puntahan ang asawang nagkukulong sa kwarto. Akala mo naman chix kong pagtaguan ako. Ang ganda ko naman para pagtaguan.

"BING!" tawag ko pagkatapos ng tatlong katok. Kumatok ako ulit ng walang sumagot. "BING!" wala pa rin.

One last try.

"BING—aray!" sigaw ko. Paano ba naman, itapon ba naman sa mukha ko ang tuwalya.

Inalis ko sa mukha ang towel. Paano ko ba nagustuhan ang lalaking 'to? 'Ala modo.

"Daldal mo." kunot noo niyang bungad sa akin.

"Ang bongga ng salubong mo ha, may pa-confette amp?" Ngiwi ko sa gagong kaharap.

Napasuntok ako sa ere ng maiwan ako sa kinatatayuan. Hindi na nga ako sinagot iniwan pa ako.

Gusto ko ba talaga siya? Bakit parang gusto ko siyang sakalin? Nakakasakit sa bangs na gusto ko siya.

Hinabol ko siya at pababa na ng hagdan. Masubukan nga.

"Bing," tawag ko. "Pag-lumingon ka, akin ka!" Sigaw ko. Sakto namang lumingon ito kaya napatulala ako sa kanya.

Umiling ito sabay umangat ang kabilang labi. Parang natatawa.

"Siraulo." He said with a lopsided smile.

I blink many times. He smile?

Lumunok ako sabay kagat sa kamay upang hindi mapatili.

Akin na ba siya?

Dali dali akong bumaba upang habulin ang pakipot kong asawa. Nakaupo na ito sa isa mga upuan kaya pinaghain ko na.

"Damihan mo ang kain bing ha. Niluto ko iyan para sa'yo."

"Obligasyon mo iyon bilang asawa." Aniya sabay subo.

Umismid ako. Panira.

"Kahit na 'no, sinamahan ko pa iyan ng gayuma bing. Baka naman." Ngisi ko sabay subo rin. 

"Lason ka mo." subo niya ulit.

"Okay lang para patay na patay ka sa akin." Kindat ko sa kanya na ikinukot ng noo niya.

Ngumiwi ako. Panget ba akong kumindat?

"Why do you have to put that shit in your lips?" out of topic niyang komento.

Kumunot ang noo ko. Ano ba ibang niyang sabihin? Napahawak ako sa labi nang dumako tingin niya doon. Matte pala gamit ko kaya hindi siya basta nabubura.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon