Chapter 9

1.8K 50 1
                                    

UWIAN NA. Yehey! Excited na sana ako mahiga at matulog pero heto ako ngayon, naghihintay ng masasakyan. Iniwan nanaman kasi ako ng magaling kung hilaw na asawa. Talaga nga naman.

Pero sabagay, advantage narin ang pang iiwan sa akin para walang makahalata at makakita sa amin at ma-tsismis pa kami. Uso pa naman 'yun sa mga walang magawa.

Pero nakakainis parin. I hate waiting kahit sanay naman akong iwan.

Bigla naman nagsipatakan ang malilit na butil ng ulan. Mababasa ako nito dahil umalis ako sa labas ng kompanya dahil sa pag-aakalang mas mapapabilis ang pagsakay ko dito.

See? Wala talaga akong aasahan. Nagdilim na lang wala pang dumarating.

Kaimberna talaga. Ngayon pa talaga umulan. K fine! Umulan dahil uuwi ako praise to that. Bumagyo na rin sana. Para sagad na.

Kumunot ang noo ko nang biglang may tumigil sa harap kong itin na BMW. Tumaas ang kilay ko ng bumukas ang bintana nito.

"Hareeza!" tawag ng nasa loob.

Hala kilala niya ako?

Sinilip ko ang nasa loob at napangiti ako sa nakita.

Nakangiti siya sa akin. Blessing in disguise ulit.

"Gab!" tawag ko sa pangalan ng kaibigan.

"Fancy to see you here! Tara sakay ka, hatid na kita."

Walang kimi-kimi, sumakay na ako. He's my childhood buddy kaya gora na ang lola niyo.

"Not so fancy seeing your face, Gab. Kaimberna ka alam mo 'yon? Pero masaya akong nakita kita ngayon dahil kung hindi baka tubuan na ako ng ugat doon hindi pa ako nakakasakay."

"Still Reezang I've known. Blunt as ever." sabi niyang nakangisi.

"Naman!" sagot ko ng nakangiti. "Kumusta na ang gwapo kong buddy? Mas lalo kang gumwapo ha?"

"Ah..., still honest!" he wink at me sabay pa-cute sa akin. Alam ko tumaas nanaman level ng confidence nito dahil sa sinabi ko.

"Gago ang laswa mo uy!" pambabara ko dito.

"Most honest as ever!"

"Naman! Balahura lang ako pero hindi ako sinungaling." nakangiti kong sabi.

"Naman 'tol. Apir tayo jan." itinaas nito ang kanang kamay pero hindi ko ito sinabayan.

"Ayoko nga, humawak 'yan ng pwet ng puta, e."

"Fck! Kung ayaw, sabihin mo. Huwag ng sabihin ang hindi dapat." naiiling na sabi ng kaibigan.

Napangiti ako sa kanya.

"Saan ka nakatira ngayon?"

Oo nga pala no! Hindi ko pa pala nasasabi kung saan ako.

Tiningnan ko ang labas at umuulan pa. Kung magpapahatid na ako ngayon, kailangan sa labas ng bahay namin dahil umuulan. Mas mabuti pang mamaya na ako magpahatid mag tumila na ang ulan. 

"Alam mo namiss kita." sabi ko nalang.

"Tsss.. Alam ko na mga galawan mo bud, no need to bribe sweet words. Saan mo gustong pumunta?"

He really know how to read my lines.

"Libre mo ha? Alam mo naman mahirap lang ako. Hayaan mo next time basta afford ko kahit saan pa!"

"Oo naman. Buddy tayo, e!" Nagmalaki pa ha!

"Yes! Astig ka talaga. Gusto kong kumain ng totoong pagkain."

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon