WAITING always feel like forever. It's been a week since Rook left to Paris. Hindi ko alam kung kailan siya babalik but it feels like an empty vase living in a house alone.
Umupo ako sa isa mga upuan dito sa may veranda and look outside. Ala una pa lang na hapon pero pakiramdam ko mag-aalas sais na ng gabi dahil sa maghapong pag-ulan.
Waiting in rainy weather feels so lonely and empty. He never call even once. I admit hinihintay ko pa rin ang tawag ni if he arrive there sound and safe if how he is the whole week without me. I sigh in emptiness.
I need him by my side. I badly misses his scent and grumpy face all the time. This house feels empty without him.
"Oh.. bakit matamlay ngayon ang reyna ng MCC?" puna ni Mica nang umupo sa tabi ko. Nasa canteen pa kami ngayon para kumain ng lunch. Nasa counter sina Mica and Din para mag-order.
"I feel empty."
"Why?" Lumambot ang ekspresyon niya kaya napabuntong hininga ako.
"I feel like waiting in vain, Din. I feel so empty... and sad without him." Binulong ko na lang ang huling linya.
Pinakatitigan niya ako as if I said a joke. Then that face turn to confuse one.
"It's okay 'sang. Uuwi rin si tito." Upo ni Jess na nakikinig rin pala. Hindi ko namalayang dumating na siya.
"Hindi pa rin pa pala umuuwi si tito?"
"Hindi pa."
Mas domoble ang pangungulila ko. Ang dalawang lalaking mahalaga sa akin ay biglang hindi ko na maabot. Naiwan nanaman ako na naghihintay sa kanila kung kailan sila babalik.
"Okay lang 'yan girl. We are here. Hindi man tayo related by blood but we are sisters now." Mica comfort me.
Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Hindi man nila alam ang tungkol sa amin ni Rook alam kong handa silang makinig sa akin kubg magsishare ako.
"Salamat..." Ngiti ko sa kanila. "May mga silbi naman pala iyang bibig niyo."
"Ay grabe siya." Palatak ni Mica.
"Iyon na sana iyon eh. Drama na sana." Ismid ni Jess.
"Yah! Maiba tayo gurl. Dito tayo sa kinaiingitan ng bayan." Palakpak ni Din.
"Gora fire!" Upo ng ayos ni Mica sabay latag ng pagkain ko sa harap.
"Alam niyo ba..." Pa suspense na kwento ni Din. Napalunok ako. Sakitan nanaman 'to ng dibdib.
"Ano?" Jess and Mica. Mga marites talaga kahit kailan.
"That Amy girl and Rook was spooted in Paris."
"Oh my God!" Bulalas ko.
"Reaction gurl winner!" Hagikhik ni Mica sabay kuha sa cellphone ni Din. Kitang kita ko kung paano lumuwa ng hugis puso ang mga mata ni Mica na katabi ni Din. "Oh my geee gurl. Perfect!" Kinikilig niyang komento nang ipakita sa akin ang litrato. Napalunok ako.
"They are perfect together, isn't it?" Din in full adoration. "Sana all right?"
Gusto kong matawa. Umaasa pa ba ako? Sana all hindi nasasaktan ng patago.
"Oo nga. Nakakainggit talaga si ms. Amy." Jess counter.
"Para namang lugi siya kay bossing eh nasa jowa na niya lahat pati puso ng asawa natin." Mica snorted.
"They deserved each other 'yong perfect matched talaga." Jess.
"Hindi ako naniniwalang hindi magkakatuyan ang dalawang iyan. Tingnan mo oh they're so in love."
"Yes." They agreed except me. I am speechless. I just want to cry.
"Bakit parang masakit?"
"Huh?" Sabay sabay nilang react. Napatanga ako. Narinig nila?
Nag-iba ako ng tingin. I blink many times to hid the tears.
"Okay ka lang ba talaga gurl?" Mica in full concern.
Kinagat ko ang labi. "Paano ako magiging okay kung pinag-uusapan niyo asawa na mahal ng iba." Pinipigalan kong maiyak habang sinasabi iyon. I want them to know what I feel. I want to them to have a clue para atleast may alam sila.
Inismiran ako ng tatlo. Dahil katabi ko si Jess ay pinasandal ako sa balikat. "'Diba dati pa sinabi ko na sa'yong huwag siya dahil may mahal na siya? Huwag mong masyadong dibdibin gurl. Tinotoo mo naman ata." She pat.
"Asawa lang natin gurl pero hindi atin." Segunda ni Din na tinanguan naman ng dalawa.
"Tama! Pantasya lang tayo huwag dalhin sa dibdib." Mica winked pointing her brain. "Ekis dapat sa puso para hindi masakit."
"Tss. Hayy.. Hindi rin siya magiging atin."
Napakagat labi ako. Hindi nila kinagat. Hindi sila naniwala.
"Tsaka gurl sino ba tayo para magustuhan niya 'diba? Kaya tama na ang drama diyan." Yugyok ni Jess sa balikat ko.
Tama siya. Sino ba naman ako 'diba?
"Hihihi.." peke kong tawa. "Kayo naman. Hindi man lang kayo kumagat." Umupo ako ng maayos sabay tawa. "Sana man lang sinabayan niyo ako."
"Muntik na ako maniwala eh kaya diko nasabayan. Kumain na nga tayo." Mica laugh.
Sumang-ayon naman ang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman silang alam kaya mananahimik na lang ako. Mas mabuti ng ganito na wala silang alam kaysa sa may alam. Mas maliit siguro ang sakit kung ako lang at si Lara ang nakakaalam sa loob ng building na ito.
Nagpatuloy ako sa pagkain pero hindi ako makapag concentrate kaya nilingon ko si Jess. Nakatitig lang siya sa akin na parang sinasabi na may tinatago ako. Ayaw ko siyang sagutin kaya nagkibit balikat na lang ako at nakipag-usap sa dalawang monggol sa harap.
Kinahapunan naging busy ang lahat kahit wala ang boss. Tinutok ko na lang ang buong atensyon sa trabaho at nakikipagbiruan sa tatlo kapag break. Mainam na ito to forget. I don't to think about him anymore. Kung ayaw niya akong kontakin, it's up to him.
Sana ma miss niya rin ako para maramdaman niya ang pakiramdam na may naghihintay sa'yo.
It's been a month and no Rook to be found. No Rook to pester and call me stupid. No Great Mariano to warm the house. Wala. I am all alone missing him in this house.
Sumubo ako ng popcorn. Watching it live is more aesthetic than in TV's.
Ngumiti ako. Pakiramdam ko ngayon ko lang nakita ang mga bituin sa loob ng ilang buwan. Bilog na bilog ang buwang nagbibigay ng liwanag sa langit. This scene is perfect, isa na lang ang kulang.
Napalingon ako sa table nang mag ring ang cellphone ko doon. Kumabig ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ang caller ID.
Nilapag ko sa table ang bowl ng ice cream habang nakaipit pa rin sa tuhod at dibdib ko ang lalagyan ng popcorn.
Nanginginig kong kinuha ang ang cellphone and slide the answer botton.
"Bing." Naiiyak kong tawag.
Walang sumagot. Bakit hindi siya nagsasalita. Naririnig ko na lang ang mabibigat niyang paghinga kaya naiyak ako. Bakit parang hirap na hirap siya?
Pinunasan ang luha ko. Bakit ba ako nagiging iyakin nitong nakaraan. Dati naman hindi ko dinadamdam ang drama ng buhay ah.
"Bing." Tawag ko ulit. This time sa nakikiusap na tono. I want him to talk because I really miss him. God knows how I miss him.
Dead air.
"Wife.." paos niyang tawag.
Pinunasan ko ang luha saka tinanaw ang langit. They are perfect. The star and the moon in one circle while I was sitting here, far away. Hanggang tanaw na lang. Katulad ngayon, nasa kabilang linya lang siya pero alam kong kailangan ko pang liparin ang kalahati ng mundo maabot lang siya.
Ang lapit na sana niya hindi naman abot ng kamay ko.