HINDI ko alam na ganito pala ang feeling ng walang ginagawa at nakakulong lang sa buong kwarto. Diyos ko, mas gusto ko pang inuutos utusan na magtrabaho kaysa nakatihaya ng walang ginagawa. Hindi man napagod ang katawan doon na rin napunta dahil napagod ang utak ko kakaisip ng kung anu-ano. Binabawi ko na ang sinabi kanina na sarap ng buhay kapag sumusweldo ng walang ginagawa. Nakakabagot pala.Ano pa ba ang masasabi ko? My husband is a total freak. Hindi niya ako pinapalabas o hinayaang magtrabaho dahil ayon sa kanya ay magpahinga ako buong araw like what the fudge? Lying on the couch all day without doing anything, sucks!
Kasalanan ko rin naman kasi. Kung hindi ko lang sana pinush na may dysmenorrhea ako ede sana hindi ako ganitong hinang hina. Hindi sana ako mukhang walkers na naglalakad ngayon.
"Girl, hindi ka na bumalik buong araw. Nasaan ka ba?" salubong sa akin ni Din nang makapasok ako sa opisina namin.
"Omy! Anyare sa'yo 'te? Okay ka lang?" ngiwi ni Jess nang makita ako.
"Nilaspag ka ba ni Sir? Aray!" reklamo ni Din. Tatlong kamay lang naman ang kumutos sa ulo niya.
"Bibig mo bakla. Ano siya sinuswerte?"
Biglang nahulog ang balikat ko sa naging sagot ni Jess.
"Grabe ka girl ha, latang lata ang aura mo kala mo naman nabinyagan. Papasang zombie walk ha, infairness sa'yo mukhang maganda naging performance mo!" sundot ni Mica sa gilid ko. Isa pa 'to!
Inilingan ko ang mga pinagsasabi nila. Kung alam lang nila ang naging papel ko sa loob ng opisinang iyon ay masasabi nilang hindi ako piling lucky. Gagong iyon. Ikulong ba naman ako sa opisina niya, ni hindi ko makausap si Lars. Nagseselos ata eh. Hindi ko siya masisisi ang ganda rin naman kasi ni Lara.
Pagkaupo sa swevil ay pumikt pikit ako. Nag-stretch ako ng nag stretch na hindi lumampas sa paningin ng iba ko pang kasamahan.
"Mukhang napagod ang reyna ng MCC ha?" tapik ni Kayla na isa sa mga ka department ko.
Ngumiti lang ako. "Hindi naman sa ganon. Utak ko napagod." wika ko bago ngumiti ng tipid.
"Okay lang iyan. Eh salompas mo iyan mamaya. Haynako, alam kung tambak ang ginawa mong trabaho dahil pagpahingahin ba naman ng isang araw ang sekretarya niya." wika naman ng isa ko pang kasamahan na nagpatigil sa akin.
"Wala si Lars buong araw?" gulat kong tanong. Napatingin naman silang lahat sa akin habang makikitaan ng pagkalito ang mga reaksyon nila.
"Hindi mo alam? Akala ko ba sa opisina ka ni Sir?"
Napatawa ako ng wala sa oras. Gosh ang tanga ko. "Ahaha.. Ang sabi ko kaya wala si Lars ay dahil may emergency siya. You know girl thing hehe." akward kong sabi.
Napa-Aahhh naman silang lahat sa sinabi ko. Ngumiti lang ako 'yong mukhang tangang ngiti.
Letseng iyon! Pinag-out pala si Lars kaya hindi ko man lang naaninag ganda niya sa loob ng opisina.
"Oh paano ba una na ako?" paalam ng kasama naming medyo may katandaan na.
"O sige."
Nagsipaalam na halos lahat hanggang sa kami nalang apat ang naiwan sa loob. Nagkatinginan naman kaming apat at isa isa silang ngumisi sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan at bahagyang napaatras ng isang yapak.
"Ipahinga natin katawan mo?" Mica smile. Napangiwi ako. Ang manyak ng ngiti niya.
"Eh?" ngiwi ko. Napatss naman ang tatlo at niyakap ako ni Jess.
"Ganito iyan 'sang, para mawala pagod mo, walwal natin iyan."
Bigla kong natampal ang braso ng kaibigan sa tinuran niya.