Chapter 44

235 18 3
                                    


NANGALUMBABA AKO habang tanaw ang malawak na karagatan habang tinatanaw ang mga taong nagkakasiyahan sa dagat habang naliligo.

Ano bang kakaiba sa dagat na laging best place sa mga koreanong magkasintahan?

Pagkatapos naming kumain ni Rook kanina ay nahanap namin ang mga sarili naman sa isa sa mga magagandang beach resort dito sa Davao.

Hindi ko nga akalain na pupunta kami dito dahil sa pagkakaalam ko trabaho ang pinunta namin dito. Kung tinatanong niyo kung nasaan ang asawa ko, andoon sa loob ng hotel room namin at nagtatrabaho through online. Online meetings sa lahat ng kasosyo niya kaya tumakas muna ang ganda para naman makapag-hunting ng maaring ipalit sa asawa.

Bumuntong hininga ako. Ang saya nila samantalang kami mukhang tutunganga na lang siguro ako dito mag-isa.

Ano ba ang ginagawa namin dito? Tiningnan ko ang cellphone at nanlaki ang mata nang makita ko ang notification ko.

It's Bings' birthday!

Nanlaki ang mata ko sa nakita. Birthday ngayon ni Rook? Hindi man lang ako nakabili ng regalo man lang. Ano ba iyan sana man lang nakita ko ito ng mas maaga kaninang nasa ciudad pa kami nakabili sana ako.

Birthday ng asawa ko kaya kailangan ko ito pakitaan man lang kakaiba baka naman this time kumasa na at ma-fall ang otoko sa mader ninyo.

Pinagpag ko ang suot na damit na hindi man lang sumakto sa OOTDing pandagat hayyss..

Naglakad lakad ako sa mga palibot para maghanap ng store na maaring bilhan ng maaring magpasaya sa buhay ng isang dakilang Rook pero wala akong nahanap maliban sa mga shirts na binibenta nila.

Napangiti ako nang mapadaan ako sa isa sa coffee shop na nandito sa resort. Bumuli ako ng isang cupcake at umalis na agad sa lugar.

Masaya akong bumalik sa room namin at naabutang hindi pa natatapos sa katawagan ang asawa. This time, sa cellphone na.

Nagdahan dahan ako para hindi makagawa ng ingay.

"Contact Ms. Jonas for the changes na gustong mangyari ng owner. Yes.  The interior designer." He pause. "Okay. Tell her to meet me at my office next week."

Binuksan ko ang ref at nilagay doon ang nabili.

Balak ko sanang lumabas ulit pero naunahan ako ng asawa ng tawagin niya ako.

"Wife, where are you going?" Tawag niya. Nilingon ko siya at tinuro ang pinto. "Labas?"

Tumaas ang kilay niya. "Kakapasok mo lang, lalabas ka na ulit?"

"Eh nagtatrabaho ka pa eh." Sagot ko. Tumayo ako ng maayos at linikod ang kamay.

"I am almost done—"

"Almost pa lang naman bing." He glare at me for cutting his words, napakamot tuloy ako.

"You can stay." Aniya.

"Hindi na. Baka makaabala pa ako." Tanggi ko. Ano naman ang gagawin ko habang may kausap siya? Mabobore lang ako.

"You're not a burden. Come sit beside me." Tapik niya sa tabing upuan.

Tumaas ang kilay ko. Plano ba niya akong panuurin siya habang nakikipag-usap sa mga kasosyo niya?

"Ah... Hindi na." Wave ko sa kamay habang nakangiti. "Okay lang ako. Sa baba na ako."

"Are you sure you're okay?"

"Oo naman. Bakit hindi?" Takha kong tanong.

"You're alone."

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon