Chapter 26

1.8K 49 6
                                    

ANG makita si Rook sa tabi ni Nicolo ay nagpakabog ng sobra sa puso ko. Gusto kong umatras na lang bigla. Bigla ay nagkaroon ako ng hiya sa katawan.

Ano bang naiisip ko at pumayag sa sitwasyong ito?

Alam kong magkaibigan ang dalawa at expected na magsama sila sa lunch pero hindi ngayon. Hindi sa ganitong tagpo.

Pinagpalipat lipat ko ang tingin sa dalawa. Napapakamot sa ulo si sir Nicolo nang naka half smile. It seems like he's ashamed of bringing his friend to our lunch out. Si Rook naman ay nakatingin lang sa akin, ang reaksyon niya ay parang wala lang pero iba ang pagkakabasa ko. Pakiramdam ko sa bawat tingin niya ay sinasabi sa akin na 'nandito-asawa-mo-tapos-lalandi-ka-sa-iba-look.

Having him with us sounds trouble. Rook itself is a trouble. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at maari niyang gawin.

Should I back out now? Nandito na ako, magbababack out pa ba ako? Hindi na.

"H-hi." alanganin kong bati. Rook is beside Nicolo so ano sa tingin mo ang magiging reaction ko?

"Hello... Uhm.." kamot niya sa batok bago ito lumapit sa akin at pasimpleng bumulong. "I'm sorry at isasama ko pa ang boss. He's so persistent kaya heto kasama natin. Don't worry, makikisama lang siya. Huwag kang ma-pressured sa presensya niya."

Bulong ni Nicolo pero na kay Rook ang tingin ko na ngayon ay napapatiim bagang. Halata ang pagkadisgusto sa nakikita.

Lumayo ako ng kuntti kay Nicolo.

"Nakakahiya man pero okay lang. Siya ang boss." kunwari ay okay lang. It was never okay. I want to voice out.

"Ano magbubulungan na lang ba kayo diyan o may plano kayong kumain? O baka naman gusto niyong bumalik na sa opisina?" sabat ni Rook na mukhang naiinis na.

"He's being bossy again. Sumasama-sama pa!" bulong ulit ni Nicolo. "I am sorry, my friend is a bit impatient." 

Ngumiti lang ako at nagpanggap na nahihiya. "Okay lang." tiningnan ko si Rook at ngumiti ng alanganin. Kitang kita ko kung paano umikot ang mata niya sa reaksyon ko. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Siya ang boss natin marinig ka." bulong ko pabalik.

A bit rude? Umiling ako. Kung alam lang ni Nicolo what's in my mind at siguradong mapapa-ahhh... alam-mo-na-pala reaction talaga siya.

"Tara na?" aya ko na lang sa dalawa. Well, ginusto ko ito. Panindigan na. Let's see kung ano ang magiging resulta, either good or bad at least nasubukan kong makasama sa isang lunch ang dalawang kinahuhumalingan ng lahat sa kompanya.

Hindi pa man nakakasagot ay nauna ng naglakad palabas si Rook. Mukhang hindi excited.

Hindi ko pinansin ang tinginang pinupukol sa akin ng madadaanan namin. Paano ba naman kasi, kasabay ko lang naman sa paglalalakad ang kinahuhumalingan nilang lahat.

Alam ko kung ano ang naglalaro sa isip ng mga iyan. Either I am a bitch or a lucky one. Well, to me, abstain. Mukha mang swerte pero believe me, hindi.

Nicolo, me and Rook? Sounds trouble.

Pagdating namin sa labas ng building ay may naghihintay nang sasakyan. Tumaas ang kilay ko.

Rook's car.

Tumigil kami sa harap ng sasakyan.

"Sa akin ka na sumabay Hareeza." tawag pansin ni Nicolo na agad kinontra ni Rook.

"Nasa harap na natin ang sasakyan ko hahanap ka pa ba ng iba?" lingon niya sa akin. "Dito na tayo sumakay. Gutom na ako." aniya nang buksan ang frontseat ng sasakyan. Gusto kong magtago sa likod ni Nicolo nang nilingon niya ako. No shit!

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon