Chapter 29

222 5 0
                                    

SUMILAY ang masayang ngiti sa labi ko nang masilayan ang mukha ng nakabusangot kong asawa. Napilitan talaga si Rook dahil kitang kita ang ebedensya. Pero kahit na ganon, ang gwapo pa rin niya sa paningin ko. Tumatambol nanaman tuloy ang makulit kong puso. Ang kerengking lang, eh. Dinurog na nga go pa rin.

"Bakit ang laki ng dala mo? Balak mo bang mag vacation ng isang linggo?" tinuro ko ang bag na dala niya. Nakasuot ito ng faded pants at nakapangtaas na maluwag na shirt. He even wore a cap na sinuot niya patalikod.

Yummy!

"Nagdala ka ba ng kakailanganin nating pagkain?" bungad niya agad nang hindi man lang ako sinasagot.

Umiling ako. "Bumili—"

"Ayokong gumastos sa date na'to." nilagay niya sa second seat ang dala niyang bag. "Kumuha ka ng stock, beer or whatever na available sa ref."

"Kuripot ka lang. Hmp!" naglakad ako papasok ng kabahayan at kumuha ng mga drinks sa loob at nilagay sa cooler. Pagbalik ko sa garahe, kahit na gusto kong kutusan ang gago sa kanya pa rin unang lumanding ang paningin ko. Tumigil ako saglit sa paglalakad, gusto kong mag pukos sa pagtitig sa kanya.

Bakit ang gwapo niya sa simpleng suot niya? Ang gwapo pa talaga ng asawa ko. Kung hindi nga lang masama ugali niya sa akin sure akong tiba-tiba ako.

"Tititigan mo na lang ba ako?" pukaw niya sa akin.

"Ahmm. Hindi ah." I denied. "Nagpahinga lang. Mabigat itong dala ko, bing." I pout.

"Tss.." inalis niya ang pagkakakros sa kamay bago ito lumapit sa akin. "Kung mabigat naman pala, bakit hindi mo binababa? Huwag sagadin ang pagiging tanga, asawa ko." Sarcastic niyang sabi bago inagaw ang dala. Tinalikuran niya ako agad.

Umismid ako. Ang sama talaga ng tabas ng dila ni Rook.

Napatitig ako sa likod niya. Bakit kahit likod niya gwapo? Tumakbo ako palapit sa kanya at pumwesto sa tabi niya. Sumandal ako sa itim na hilux at doon pinag ekis ang mga braso. Pinanood ko siyang nilalagay sa likod ang cooler.

"Huwag kang tumunganga lang diyan, open the gate!"

Agad akong natauhan at patakbong nilapitan ang gate para buksan ito. Tumayo ako sa tabi ng gate habang pinapanood ang asawa na nilalagay ang cooler sa likod ng hilux.

Bakit ba lagi akong may ambag sa lahat ng gagawin niya?

Pagkalabas ng sasakyan ay sinarado ko ulit ang gate saka ito ni-lock. Naglakad ako palapit sa sasakyan na mukhang bagong bili ata dahil ngayon ko lang ito nakita.

"Bing, bagong bili ba itong sasakyan mo?" tanong ko pagkapasok ko pa lang.

"No. This is a gift."

"Regalo? Woaa!!" napalakas kong sabi. Wow! Ang gara para sa regalo lang.

"Lessen your voice, wife, I can hear you. You know?"

"Kasi naman, bing, seryoso ka regalo ito sa'yo?" wow! Ibang klase kapag mayaman. "Ang gara talaga ng mayayaman!"

"Hmmm.." tutok niya sa daan. Flex na flex ang muscle niya kahit simpleng hawak lang sa manibela.

"Sagutin mo kasi ako!"

"Sabi ko 'diba, it's a gift." nilingon niya ako saka tinaasan ng kilay. "Seatbelt, wife!"

"Wow! Ang bait ng friend mo ha?" sagot ko habang nagsiseatbelt.

"Not really."

"Ano ba ang depenasyon sa'yo ng mabait, my god, bing, sasakyan pang regalo, birthday mo ba?" wika ko sa hindi mapakali sa kinauupuan sa passenger seat. Gusto kong malaman kung sino ba sa kaibigan niya at baka naman pwede akong umutang pangbayad sa lalaking kaharap at maging malaya na ako. Mapanakit eh.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon