Chapter 30

323 13 2
                                    


I SMILED TRIUMPHANTLY. Nakatanggap man ng sermon, still, I'll be driving my own car, soonest. Kaya super happy ng lola niyo ngayon. Inubos ko ang lahat ng powers ko makumbinsi lang si Rook na ako ang gagamit sa kotseng regalo ng kaibigan niya sa kasal daw namin. Well, kinapalan ko na ang mukha ko. Hindi naman sa kanya 'yong kotse dahil bigay rin naman ng friend niya. Kasali pa ako sa may-ari. Ang gara 'diba?

Anyways.

If you are asking what happened last, it was disastrous. Kung hindi lang sa pagpipigil ni Rook, pakiramdam ko kulang na lang sasakalin niya ako sa inis. But, I wear the crown of being persistent kaya nagpumilit talaga ako. Ako yata si Hareeza Mendez na ang tanging special talent ay mamilit. At the end of the day, he'll be sending me to a driving school. 'I don't teach stupid student.' he even noted. See? He's being harsh on me, but it's okay. I'm driving my own car anyways.

To summarize it all, it was fun. It must be hellish for him but I enjoyed it so much and that's what matter the most. Hindi naman ata marunong magsaya si Rook kaya okay lang na feeling ako lang ang nag enjoy.

Kalalabas ko lang sa TESDA kung saan nag enrol ako ng driving class nang mahagip ng mata ko si Gab. Gusto niyang ikuha ako ng private na magtuturo sa akin kaso mas gagastos pa siya so ako na lang ang nagkudang pumasok sa TESDA. Napangiti ako nang makitang naglalakad sa gawi ko si Gab. Hindi ito nakatingin dahil busy sa kakalikot sa cellphone na mukhang may tatawagan.

"Gab!" tawag ko. Nang makita niya ako ay kumaway ako.

"Hareeza," lumapit siya sa akin. "What a surprise to see you here?" ngisi niya.

"Ikaw rin." sagot ko. "Anong ginagawa mo dito? Girlfriend?" kibit balikat ko. I don't think na kukuha ito ng NCII.

"Nope. May susunduin sana. Remember my friend West?" kumunot ang noo ko. Ano naman ang gagawin dito ng lalaking 'yon? Yes. Kilala ko ito. He's one of his friend and na-meet ko na rin before.

"What about him? Don't tell me, nag-enrol siya?"

"Can you believe it? That fvcker enrolled here. Gusto magpasabit ng medalya ng gago. Ayon, gusto maging sweet. Nag NC II, pastry and baking." he chuckles. Making fun of West choice.

"Asus! Men and their moves." ngisi ko. "Tsk. Sabihin mo sa gagong 'yon wala iyong kwenta. Idadaan pa sa NC II ha, basted rin siya sa huli. Basta gago binabusted iyan dapat."

"Huwaaa! Hindi ka naman bitter?" Gab laughs.

Paanong hindi kung natry ko ng mabasted.

"Sira." irap ko sa kaharap. "Mag e-enrol ka rin ba?" pilig ko sa ulo.

"Ulit-ulit? Sabi ko susunduin ko kaibigan ko."

"Ah okay." tango ko. Sinipat ko ang kaibigan at mukhang hindi niya makontak si West. "Huwag mo na siyang sunduin, Gab. Kape mo na tayo?" aya ko na kinunutan niya ng noo. "Ako taya. Baka akala mo, react pa diyan eh."

Ngumisi ito ng malapad. "Call ako diyan." bulsa niya sa cellphone saka ako inakbayan. "Starbucks?"

"Ang mahal ng choice mo, ha."

"Susulitin ko na. Minsan ka lang maging mabait."

"Ewan ang panget mo!" tawa ko bago kinuha ang braso niya sa balikat ko na binalik rin niya ulit. Ngumiti lang ako ng malapad bago inalis iyon ulit. Hindi na niya binalik.

"Ang arte mo- aray. Bakit mo ako tinulak?"

Napatigil ako sa paglalakad at ang kaninang malapad kong ngiti ay naglaho. Napalitan ng kaba.

"Hindi ba susunduin mo si West?" tanong ko kay Gab na ngayon ay nakakunot ang noo. Lumamig bigla ang kamay ko.

"Makakauwi naman-"

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon