Chapter 1

3.2K 66 0
                                    

ANG BUHAY AY PARANG LIFE. Kapag sinwerte ka, magpainom ka ng juice, at kung mamalasin ka naman, katulad ko ngayon,  magpakape ka samahan mo ng biscuits. In short, lamay na!

Lintik na buhay naman 'to, o.

"Hoy! Babae, nasaan ang magaling mong ama?"

Nalintikan na talaga!

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong, hindi ko alam. Iniwan na ako. Kaya pwedi ba, iwan niyo na rin ako?" pagmamatapang kong sabi kahit ang totoo'y gusto ng sumuko ng mga binti ko. Kulang nalang umalis ang kaluluwa ko sa katawan matakasan lang ang mga ulupong na ito.

"Pasensya na pero kung iniwan ka na ng magaling mong ama, ikaw nalang ang kukunin naming pangbayad," sabi no'ng leader nilang ang panget ng pagmumukha.

Pasensya daw labas naman sa ilong. Busit!

"Pambayad my face!" pagtataray ko pa! Aba, mahirap na nga magiging mahina pa ba ako? No way! Tinaasan ko ng kilay ang boss nila na pinapalibutan ng mga asungot niyang mga bata. Mahina! Ako lang ang sisingilin, nagsama pa ng mga sanggano para takutin ako.

"Magkano ba utang sa'yo ng ama ko?" Kung bakit pa kasi iniwan ang magandang tulad ko para takasan ang utang niya! Nakakainis siya.

"Tatlong milyon. Kaya mong bayaran?"

Literal na napalunok ako ng laway at sa kamalas malasan nga naman pinagkaitan narin ako ng laway. Wala akong nalunok, e.

"Grabe ka makapagpatong ah? Noong nakaraan isang million ngayon naman tatlong milyon. Ginagago mo ba ako? Aba, dinaig mo pa si Aling martha kung makapatong ah! Kung siya 5-10 ikaw 5-20. Makunsensya ka naman uy!"

"Dumagdag ang tatay mo, e."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

"At talagang pinadagdag mo pa siya sa lagay na 'yan? Salamat ha?"

"Naman. Mabait ako, e."

"Tarantado. Nagkita naman pala kayo hindi mo pa singilin. Ako pa binubwesit niyong mga kulukoy kayo!"

Nakakasakit sila sa bangs ha? Sa akin pa naniningil alam naman nilang walang wala ako.

"Umalis kayo sa harapan ko, wala kayong mapapala sa akin. Nasisante pa ako sa trabaho ngayon kaya layas!"

Oo, ganyan kamalas ang buhay ko.

Umiling ang boss nila. "Kung wala kang pangbayad, ikaw nalang!" Natatawang sabi niya sabay lingon sa mga kasama niyang nagtatawanan. "Mag eenjoy ka pa!" dagdag pa nito sabay ngisi. Ang laswa lang!

"Ayos 'yan bossing. Tiba tiba ka 'jan." suhol naman ng isa sa amo nila.

"Mukhang makinis boss." segunda pa ng isa na tinawanan nilang lahat.

"Tiba tiba my face! Hoy mga panget kung ako sa inyo iwan niyo na ako baka madamay pa kayo sa kamalasan ko!"

"Boss mga panget daw tayo!"

"Bakit angal?" sabi ko pa! Sa totoo naman.

"HAHAHAHAHAHA! Panget daw!" tawanan ang mga ulupong!

"Matapang boss."

"Walang panget panget sa nasasarapan."

"Hahahahahaha...."

"Mga baliw! Sige, maiwan ko muna kayo." sabi ko sabay karipas ng takbo habang nagtatawan pa ang mga abno.

Kung bakit dito pa kasi nila ako nakasalubong sa walang katao tao.

"Hoy!" tawag nila sa akin.

Takbo lang Reez. 'Di baling walang poise, mabuhay ka lang. Pagpapalakas ko sa sarili.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon