Chapter 19

2K 51 11
                                    

KUNG PWEDE lang sana na magpalamon na lang sa lupa ay kagabi ko pa sana ginawa. Lintik! My face is burning—nakakahiya.

Lihim kong kinukutusan ang sarili dahil sa kabaliwan ko kagabi. Panira talaga ang kakerengkingan ko at talagang tumayming na ipahiya ako. Nahihirapan tuloy akong mag deny ngayon.

Nasa hapag kami ngayon at nag-aalmusal bago pumasok sa opisina. I was avoiding him the whole meal pero ang gago pilit na inuungkat ang katangahan ko kagabi. Hindi ba niya alam na todo ilag ako? Binabato pa ako, samantalang hiyang hiya na ako. Hindi ko nga magawang lunukin ang kinakain ko ngayon.

"Don't try to deny it, wife. You're planning something stupid last night." kumipot ang labi niya, pinipigilan niyang matawa habang ako ay pigil na pigil ang hininga na baka may masabi.

Umiling ako ng maraming beses.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, bing." nagpatay malisya ulit ako.

"Nah. I'm not buying it." tinitigan niya ako ng puno ng suspitsa. "Were you trying to kiss me?"

"Anong kiss? Hala! Huwag ka ngang bintangero diyan." palatak ko. "Mama-may lamok sa mukha ko at aalisin ko sana—"

"Using your lips, I guess?" mas kumipot pa ang labi niya.

"Ang bintangero mo naman, bing! Kapag ba nilalapit ang mukha sa'yo, hahalikan ka na agad?"

"Iwan ko." he shrug. "Bakit ano pala plano mo?"

"Aba hoy sumusobra ka na ah! Sabi mo magiging mabait ka na sa akin. Bakit pinagbibintangan mo akong hahalikan kita? Masama ang magbintang sa kapwa bing nakakakarma."

"Hindi naman kita pinagbibintangan. I was just asking, wife." ngumisi ito ng maloko. "But you sound guilty."

Letse! Nakakahiya talaga.

"Anyway, sad to say, I was awake the whole time." he added and that literally burn my face in shame. "I can hear your giggles—"

"Letse, oo na sige na. Kasalanan ko bang doon ka natutulog sa sala! Masama bang magpasalamat sa pamamagitan ng paghalik? Naman eh! Pinagbibintangan mo ako!"

Nagpapadyak akong tumayo at mabilis na naglakad paalis ng kusina. Tinakpan ko ang aking magkabilang tainga when I heard his laugh.

Nakakatawa bang nagmumukha akong iwan?

Masama bang mang snatch ng halik sa asawa ko?

Pagkaakyat ko tinampal tampal ko ang mukha dahil sa init nito.

"Ang tangi mo talaga Reezang at talagang nasabi mo pa iyon ha? Pahamak talaga itong bibig kong pinaglihi sa kapitbahay naming tsismosa! Arrgg!" Sa inis ko ay nagpagulong gulong ako sa kama hanggang sa nahulog ako.

Walanghiya! Napahiya na nga ako, nasaktan pa ang pwetan ko, letse.

Pagkatapos kong magwala sa loob ay inayos ko ang sarili. May trabaho pa pala ako, muntik ko ng makalimutan.

Pagkababa ko, kapag sinswerte ka, magpasalamat ka.

Halos pati tiyan ko ay umarko sa sobrang pagyuko na ginawa ko huwag lang magtama ang mata namin ni Rook. Akala ko nauna na itong pumasok.

"Sumabay ka na sa akin." he said.

"Hindi—"

"Kapag umayaw ka, guilty ka." seryoso niyang turan.

Seryoso ba siya?

Para akong asong gala na nagkaroon ng among masungit sa sobrang behave ko nang nasa sasakyan na kami. Kung pwede lang sana na mag teleport edi ginawa ko na. Kaso pakirdam ko, ang bagal ng pagmamaneho niya.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon