PANGITI NGITI kong pinaypay sa eri ang chequeng hawak mula sa hilaw kong asawa.
Oo. Nakuha ko sa drama ang hilaw kong asawa kaya tsaran, pinautang ako!
"Siguro naman, pagkatapos nito mananahimik na kayo." nakangisi kong sabi.
"Alamo, sayang ka!" sinipat ako ng boss nila mula ulo hanggang paa habang hinihimas ang baba. "Pero, marunong akong sumunod ng usapan." dagdag niya.
"Mabuti naman at may isang salita ka... Dahil kung hindi," I pause and smirk. I stretch my body to give warning. "You'll know what happened." I threat na tinawanan lang ng boss nila.
"Hahaha... Kakaiba ka talagang babae, gusto ko sanang maka-sparing ka, kaso, bayad ka na kaya wala na akong hahabulin pa sayo. Ang usapan ay usapan"
"Tss. Sige, here." inilapag ko ang chequeng naglalaman ng 3 million sa table ng boss nila. Nanlalaki naman ang mga mata ng mga bata niyang napalapit sa amo para tingnan kong tama ba ang numerong nakasulat. "Legit 'yan mga tsong!"
"Saan ka kumuha ng ganyan kalaking halaga?" tanong ng isa sa mga bata ng shark loaner.
"Alam niyo kasi," umupo ako sa upuang nakalaan sa harap ng table at pinagkrus ang legs saka isa isa silang nginisihan. "Kahit ayaw kong malaman niyo ay mas mainam ng aware kayo. May sindikato akong kinabibilangan,.. No, pinakamalaking sindikato sa bansa at sa labas ng bansa." pagsisinungaling ko. Halos matawa ako sa reaksyon nilang nanlalaki ang mga mata nila. "Anyways, sige aalis na ako." tumayo ako saka isa isa silang nilingon lahat. "And I don't want any of you to cross my path, ever again. Understand?"
Napangiti ako nang magsitanguan silang lahat except sa boss nila.
Naririnig ko ang bulungan nila nang papalanas na ako sa kuta nila.
"Seryoso ba siya boss?
"Baka naman, trip niya lang 'yon para takutin tayo?"
"Nakakatakot pala ang anak ng panot na 'yon?"
Excuse me! Hindi panot ang papa ko!
"Ang laking halaga boss!"
"Paano kong balikan tayo ng sindikato nila boss?"
"Oo nga naman boss. Gulpi tayong lahat."
"Mga tarantado! Manahimik kayo!"
Napapangiti ako sa usapan nila. Mga uto-uto pala mga bata niya. Naniwala talaga sila! Tsk!
Nilisan ko ang hide-out nilang may ngiti sa labi. Sa wakas, bayad na ako at malaya na sakanila. Si Rook nalang ang hindi pa. Dumagdag pa nga ako eh. 'Di bali, kailangan ko lang magtyaga and follow lahat ng gusto niya. Maging masunurin lang.
Dahil tago ang hide out ng mga kulokoy na 'yon ay nakakakaba talaga. Paano kung bigla nalang akong e-salvage doon ng walang nakakaalam? Buti nalang, sport daw ang pvta kahit wala naman sa itsura.
"Aalis na po ba tayo Madame?" Tanong sa akin ng body guard na pinasama sa akin ni Rook para daw sa security ko. 'Diba bongga?
He escort me sa sira sirang sementog maputik pa. Gusto ko sanang umangal pero pinabayaan ko nalang. Grabe kaya ang sama ng ugali ng hilaw kong asawa kaya sulitin na kahit ang arte tingnan.
Duh! Kahit nga putik nilalangoy ko dati, ito pa kaya? Sadyang maarte lang talaga ang mayayaman.
"Oo kuya," sagot ko. "Deretso tayo sa apartment ko."
"Copy Madame!" nagpatiuna itong maglakad saka sinabihan ang mga kasama na aalis na kami. "Gentlemen, aalis na tayo."
"Sandali... 'Yong unang sasakyan mauuna na sa bahay, tapos kami naman ay pupunta sa apartment na tinitirhan ko."