Hindi ko alam pero sige na paninindigan ko na ito. Here's the update and looking forward sa mga next updates. I will try my very best to post one next time. I am sorry for the long wait and thank you again and again for staying and waiting. I love you all.
----
HINDI KO ALAM kung ilang beses na akong napairap habang nasa hapag kami. Ang siraulong si Rook, nagmamaldito. Panay ang iwas niya sa akin ng tingin tapos lagi pa akong kinokontra. Seryoso ano ba problema niya?
"Why are you really here mom?" Rook after hearing his mother's story why she's here.
"You don't have to be grumpy, son. I'll be out after breakfast. I am going to meet some amigas then be back at night for a sleepover." Wika ng mama ni Rook.
Pasimple akong lumunok. Sleepover. Paano kung makahalata ito? Patay talaga kami kapag nagkataon.
"Aren't you too old for a sleepover mom?" Kahit kailan talaga masungit ang isang 'to.
"Never get too old for that son." Lingon niya sa anak na nakasimangot pa rin. "Bakit? Hindi ba ako pwedeng mag-stay? My mga unfinished business ba kayo?" Simple lang ang pagkakasabi niya pero pakiramdam ko nag-init doon ang pisngi ko kaya nakagat ko ang ilalim ng pisngi para maiwasang magreact. Sumubo na lang ulit ako kunwari walang narinig.
"Mom it's not like that." Kontra ni Rook. "Paano si Zia and Fazil?"
"They are old enough to babysit them, Farook. You grow up! Stop arguing with your mother. You see you're wife is here. Show her some sweet bones. You're stiff." Aniya sabay lingon sa akin and give me a warm smile.
Ano bang gagawin ko? Gusto ko ring kumuntra pero may magagawa ba ako? Kung gagawin ko iyong parang may tinatago nga kami. Her mother looks suspicious kaya I need to do something I guess. Sana nga hindi lumala ang saltik ng asawa at saakin nanaman ibuga ang apoy.
"Okay lang po mama, you can stay if you want. Para naman po makapagbond tayo." Ngumiti ako ng malapad kahit na sobra sobra ang kaba ko. Pasimple kong tiningnan ang asawa at mas sumama ang templa ng mukha niya.
"Iyon naman pala anak, eh." Palatak ng ginang na parang nakakuha ng kakampi. "You're such a pretty kind woman." Aniya pa sabay gagap sa kamay kong nakapatong sa binti since kami ang magkatabi at kaharap namin si Rook.
"Mom-"
"No buts, Farook! Umuo na ang asawa mo kaya wala ka ng karapatan na tumanggi. Right dear?"
Wala akong magawa kung hindi ang tumango. Patay nanaman ako neto.
I thought he's still going to argue about that pero iba ang inasahan ko. "Yeah right. She's the boss." Sagot na lang ni Rook na ikinatawa ng mama niya.
"It's settle then." Masaya niyang sabi sabay tayo na nasundan namin ni Rook ng tingin. "I'm going first. Kumain pa kayo before you go to work."
Naiwan kaming tulala ni Rook sa hapag. Napaiwas ako agad nang tingin. This is not good. Napailing ako't napatikhim. Pasimple ko siyang tiningnan pero agad ko ring naiwas nang nakatitig siya sa akin.
"Ba-babakit ka nakatitig?" Nauutal kong tanong.
Narinig ko ang buntong hininga niya. "I don't know if you're naive or plain stupid."
"Anong sabi mo?" Inis kong tanong sa sinabi niya? Tiningna ko siya ng masama pero nanatili lang itong nakapoker face sa harap ko.
"Ngayong bigla ka pang naging bingi." Sumandal ito sa upuan bago pinag-ekes ang braso. "Bakit ka pumayag sa gusto ni mama? I am trying to stop her but fvck, you agreed?" Inis niyang sabi.