"REEZ? Is that you?"
"Kakaiba!"
"Wow! Nakakasilaw ang ganda!"
Ngumiti ako sa naririnig sa mga kasama. Paano ba naman kasi, I tried the cosmetics we bought yesterday at ito nga, pak na pak ang ganda ko ngayon.
'Di chos langs! Gosh! Hindi ko expect na mahirap rin pala ang magpaganda. Hindi sana magiging ganito ka pak na pak ang bungisngisin kong mukha kung hindi ako nanood ng iba't ibang beauty tutorials. Kitams? May magandang bunga ang pinagpuyatan ko kagabi.
Like a Queen who's wearing a crown and a veil, I turn around and smile.
"With your very own..." I pause and raise an eyebrow to them. "Hareeza Mendez, the Queen of Mariano Construction Company!"
Nagpalakpakan naman ang mga kasama sa sinabi ko. Natatawa akong yumuko yuko. Umakto pa akong humawak sa invisible crown na suot. Feel na feel ko talaga ang kabaliwan ko ngayon.
Gusto kong matawa sa pinagagawa ko. Queen of Mariano Construction Company? Tss. Kung naririnig lang siguro ako ni Rook ngayon baka ipatapon na ako nun sa labas ng building.
"Wow! Queen of MCC huh?" Jess commented.
Binigyan ko ito ng isang beauty Queen smile.
"Palong palo ba?" I pose na nginiwian niya.
"Oo girl. Ang ganda mo ngayon, pak na pak!" Dina approach.
"Talaga ba? Bagay ba akong maging Queen of MCC?" pagbibiro ko pa.
"Hindi." Jess
"Oo." Dina
"Ano ba 'yan Jessang, walang pakisama." umismid ako.
"Huwag kang feeling ma-drama, girl!" Jess said at umupo ulit sa swivel niya. Tiningnan niya ako ng may kasamang taas kilay. Feeling boss lang? "It's friday girl, and see? Everyone's busy because today is?" mataray niyang sabi.
Napaisip naman ako. Ano bang meron kapag friday?
Teka nga?
Por Dios! Napatampal ako sa noo when I remembered. It's friday at kailangan namin mag report para sa weekly updates. God! Ang tanga ko't nakalimutan ang isang importanteng bagay.
"Ngayon, nagkandaugaga ka?"
"Tangina ka talaga Jessang!" mura ko sa kaibigan.
"Whatever bitch."
"Yeah, yeah bitch."
The reporting will start at 9 and I only have half hour to prepare.
Abot abot ang kaba ko habang naglalakad kasama ang mga ka-officemate papuntang conference room. Not because it's my first time, but because my husband in papaer like he said will be there, at the center. I'm nervous, I might fail from delivering my report.
Umupo ako sa ika-apat bago ang upuan ng bigboss. Ayokong mapalapit sakanya dahil baka mas kabahan pa ako.
I need to be relaxed kaya guminhawa ako ng tatlong beses na hinugot ko pa talaga sa kaibuturan ng hininga ko.
"Girl chill!" one of my colleague whispered.
"Oo nga. Akala ko ba MCC Queen ka? Anyari?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Sshhh!! Echos lang 'yong kanina. Huwag mong uulitin na sabihin 'yon kun'di patay ka sa akin." banta ko sa kasamahan.
"Oo na. Tense ka masyado. Kalma girl!"
Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto at may magsalita.
"The CEO has arrived." A voice of a woman announced.