Chapter 11

1.8K 50 2
                                    

DALA KO hanggang opisina ang inis ko sa hilaw kong asawa. Wala, paasa siya! Nag effort naman ako tapos ugh!

Makikita niya. Hindi na 'yun mauulit. Magluto siya ng kakainin niya mag-isa. Baka akala niya. 'Di baling magbayad ako ng tatlong milyong huwag lang nauuwi sa wala ang effort ko.

Halos manggigil ako sa isiping tinawag ko siyang hubby. Grrrr!! Hubby hubby, pwe!

"Girl, baka maputol ang ballpen." Napatingin ako sa katabi. Si Mica. Officemate ko.

"Huh?" wala sa sarili kong turan.

"'Yan oh," tinuro ang ballpen na hawak ko gamit ang labi kaya napatingin ako sa hawak. "Halos mabali na girl."

Bigla akong natauhan. Gigil ba masyado? Niluwagan ko ang pagkakahawak sa ballpen saka ito dinala sa bibig ko at kinagat kagat ang dulo nito.

Bigla akong nakaramdam ng hiya. "Ay, may naisip lang!" ngumiti ako.

"Lalaki ba 'yan?" she asked grinning. Mas lumapit ito sa akin.

Kinunotan ko ito ng noo. "Of course not!" kahit ang totoo'y lalaki naman talaga ang dahilan at 'yun ang hilaw kong asawa. Nakakagigil, e! Sarap tuloy tirisin.

"Okay!" she said. "If you want an advice, feel free to be my guest. Magaling ako jan." she winked.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Sure."

Bumalik kami sa kanya-kanya naming trabaho. This is better than chatting. Baka ano pa masabi ko, alam ko naman ang sarili ko pag naiinis. Nawawalan ng kontrol ang bunganga ko.

Nang sumapit ang lunch, nagkayayaan kami ng mga ka-officemates ko na sa labas kami kumain.

Palabas na kami ng masalubong namin ang secretary ng hilaw kong asawa.

Seryoso itong nakatingin. Nang makita niya niya ako ay napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha. I coudn't help but to smile too. Ang amo ng mukha, e. Nakakadala.

"Ms. Mendez, pinapatawag ka ng CEO."

Ang kaninang ngiti ko sa labi ay napalitan ng pagkalito. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Utos po ng CEO." she added.

Ano nanaman kaya ang trip ng hilaw kong asawa?

"Hala girl bakit kaya?" Dina asked.

Hindi ko rin alam. Gusto kong isagot.

"Baka trip ka bes," segunda ni Mica.

"Bakit daw pinapatawag ni Sir si Reez, samantalang lunch break naman ngayon?" hindi napigilang tanong ni Jess sa tabi ko.

Ngumiti lang ang sekretarya ng CEO. "Hindi ko po alam. Ang CEO lang ang makakapagsabi kung ano ang pakay niya kay Ms. Mendez." she said. "Right Ms. Mendez?

Biglang nag-ingay ang mga kasama. And before I know, naitulak na ako ng bespreng kong si Jess.

"Gora na girl. Baka mukhang trip ka ni Sir."

"Yeah! Ganda, e."

"Mukhang... ahem!"  

"Bye girl. Galingan mo."

"Hahahaha..."

Wala akong nagawa nang naghabulan ang mga ito sa elevator na nakabukas. Nag wave pa talaga sila sa akin.

Tangina. Ang galing!

"Tara na po, Mrs. Mariano." aya sa akin ng secretary ni Rook.

Bigla akong naalarma sa sinabi niya. Napalingon ako sa paligid. Baka may makarinig, Diyos ko po!

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon