KINAHAPUNAN, nagpunta nga kami sa mall kasama sina Jess and Dina.
"WATSON tayo!" pahayag ko pagkapasok palang namin sa mall.
Napatingin naman sa akin ang dalawang kasama.
"Wow! Anong himala ang sumuntok sa'yo at nagyaya kang mag Watson?" Jess.
"Oo nga... Magpapaganda ka?" Dina.
Inikutan ko ng mata ang dalawa.
"People change!" sabi ko nalang.
"What if starbucks muna tayo bago gomora don? Para naman magka energy tayo bago sumabak sa gyera." Dina suggested.
"Right girls. Alam mo stress---" I cut Jesz statement.
"Wala, wala. Watson tayo. Kailangan kong umuwi ng maaga."
Walang nagawa ang dalawa kong kasama nang kaladkadin ko sila papasok sa Watson. Well, kailangan kong magpaganda para kay papa Nicolo.
"Ano bang maganda?" tanong ko sa dalawang kasama habang pabalik balik nalang kami sa paghahanap ng pampaganda.
Ang hirap pala nito. Siguro kaya hindi ako nahilig sa ganito ay dahil baka magka highblood lang ako sa inis sa pagpili ng iba't ibang klase ng pampaganda.
"Para sa mga katulad mong maganda na at gustong magpaganda pa, heto foundation!"
Napatingin ako sa binigay niyang isang brown na lalagyan.
"Maganda ba 'yan?" pagkaklaro ko. Aba mahirap na't baka magmukha pa akong kambing pag ginamit ko.
"Wala ka talagang ka alam alam. Tss." inagaw sa akin ni Jess ang hawak na foundation daw. "Doon tayo sa mga tester at ng makita mo ang bagay sa kutis mo." hinila niya ako at napasunod naman si Dina. "Kaya hindi jowable, e." bulong pa niya na narinig ko naman.
"Wow naman? Jowable ang pvta?" Hirit ko.
"Ang sama talaga ng bibig mong impakta ka!" sita ni Jess saka tinampal ng mahina ang bibig ko.
Sinamaan ko naman ito ng tingin na ikinatawa ng huli.
Sinubukan namin ang iba't ibang foundation, lipsticks, eyebrows pencils at iba pa na nakita namin sa tester.
Binili ko ang lahat ng suggestions sa akin nina Dina and Jess. Gora nalang, wala rin naman akong alam sa mga 'yon. Dati kasi sapat na sa akin ang Jhonson baby powder at lotion na inutang ko pa talaga sa kapitbahay naming dealer ng avon.
Pagkalabas namin sa bilihan ng pampaganda ay dumeretso kami sa Jolibee. Nagtake-out lang kami ng drinks dahil kailangan kong umuwi ng maaga. You know? Daig ko pa si Cindirella na may curfew, nga lang, alas syete sa akin. Mas maaga.
"Ano bang meron Reezang at magpapaganda ka?" Jess asked habang naglalakad kami palabas ng mall.
Kailangan na namin umuwi. Ako lang pala. Pero ang dalawa, ito ang aarte. Na kung uuwi na daw ako ay uuwi na rin sila. Kitams? Ang aarte. Para namang ako ang paa nila ha?
"Oo nga girl. May natitipuhan ka ba sa company?" Dina agreed.
Natitipuhan? Tumpak mo girl! Pero, tinikom ko nalang ang ibig at tahimik na iniinom ang strawberry float ko.
"Baka naman trip mo ang boss natin? Naku girl, huwag na siya. Babaero 'yon. Mababasag lang puso mo don." Jess.
Si Rook, tipo ko? Slight lang pero tibag na. Ang sama ng ugali, e. Kay papa Nico lang ako ngayon.
Lihim akong napangiti. Quiet lang akong nakikinig sa dalawa.
"Hoy hindi naman. One woman man kaya si Sir!" Dina.