IT FITS PERFECTLY. The curves, the length, the color and designs is perfect. Simple but elegant. I am wearing a black long gown with a knee lenght slit. Sleeveless ang upper at hindi masyadong open ang likod. Nagsuot rin ako ng black heels with gold pouch. A very cute earing na hindi halos makita and a necklace with heart pendant. Pinusod ko ang buhok at nag-apply ng kunting make-ups. Simple lang, hindi naman ako ganoon ka bihasa sa paglalagay ng make-up pero mas gusto ko na ito. I hate the feeling na nagmumukha akong bakla if I overdo my make-ups. A simple one will perfectly fine.
"Girl, pa-send aura tonight." I smile nang marinig sa kabilang linya si Din na mukhang pinag-aagawan pa ng tatlo dahil sa ingay nila sa background.
"Mga gaga. Ganon pa rin naman ako maganda as always " biro ko na ikisinghap nilang tatlo.
"Ang kapal beh ha."
"Asa naman. Uhugin ka pa rin."
Natawa ako. "Sige, send ko sa inyo ang awra this night."
"Sige gurl. Gandahan mo kuha ha para makabudol." Yawa ni Jess.
"Tangina niyo po dyosa katawagan niyo."
"Sige na. To see is to believe."
Napailing ako nang maputol ang tawag. Mga bastos rin. Kinuha ko ang pouch na wala naman laman kun'di cellphone lang. Tumapat ako sa malaking salamin at nagpose doon. Inawra ko talaga body ko para naman ma-budol sila tinabunan ko lang mukha sa cellphone. Pagkatapos kong mag flex sa harap ng salamin ay nag selfie naman ako. Iyong alam kong sobrang ganda ko. Dinamihan ko rin para naman makahanap ako ng medyo okay. Hindi kasi likas na photogenic ang lola niyo.
I send my mirror picture sa group chat namin apat at shit! Nag-ingay ang tatlo sa GC. Poknats.Dinagurl: Omg! Flex mo gurl mukhang may magugoyo ka tonight.
Dyosamica: Oh lala. Ikaw ba sis namin? Pentirest yarn gurl?
Jeszinthetrap: Ang gara ng pose ha, marieclaire shot?
Reezmendez: Tae niyo mga poknats. Natural lang iyan sa katulad kong dyosa.
I send tapos change my nickname to Gorgreeza.
Dyosamica: Gurl mali atang kayabangan na download mo dyosa means @Dyosamica ako na iyon.
Gorgreeza: Ito po salamin para makita mo ang deperensya.
Jeszinthetrap: Poknat bakit walang fes? 'Di convience na pretty?
Gorgreeza: I am so pretty na parang gusto ko na lang sarilihin.
Dina change the groupchat name to Poknats <3
Dinagurl: Sige keep it to yourself pasasaan ba't may kasabihang beauty is in the eye of the beholder.
Dyosamica: Gaga ka @Dinagurl beauty is in the eye of tiger yornn.. hahahahaha
Napaface palm ako.
Jeszinthetrap: @Dyosamica kaya ka pala naging valedictorian sa pagiging marites at hindi sa school acad dahil sa talino gurl. @Gorgreeza lapag mo na fes natin tonight.
Ngumiti ako. Sabay hanap ng picture na pwedeng e-send. Pagkatapos kong ma send ay kinuha na ang pouch at ang susi ng sasakyan at naglakad pababa. Too much chikahan. Alas syete na ng gabi at alas otso magsisimula ang celebration progman ni Mrs. Smith for their golden marriage.
Lumabas ako ng hotel kung saan ako nagstay as of the moment. Nasa Makati kasi ang venue at ayaw ko namang umuwi ng mag-isa dahil sigurado ay hating gabi na ako makakauwi.
Pagdating ko sa lugar ng paggaganapan ay sinalubong ako ng dalawang staff na nakatuka sa gate kasama ang isang guard. For security dahil hindi naman basta bastang tao ang mag-asawa.
"Your name po ma'am." Tanong sa akin nang babae nang lumapit ako sa table niya.
"Mrs. Mariano." Pakilala ko. "Hareeza Mendez-Mariano." Kinakabahan kong sabi sabay pakita sa invitation na natanggap.
"Okay po. Ma'am deretso na lang po tayo. Nasa garden po ang venue."
"Thank you." Tango ko.
Habang naglalakad ako papasok ay hindi ko maiwasang mapalunok ng marahas. Tumatabol ang puso ko sa hindi malamang dahilan, maybe because this is the first time na ginamit ko ang apelyidong Mariano. Hindi ko kailanman ninais na gamitin maliban ngayon.
I received an invitation last friday mula kay Lara na galing daw sa mag-asawang Mrs. Smith for their 50th year wedding anniversary. Ayoko sanang pumunta dahil natatakot akong e-risk ang identity ko pero wala akong magawa. Lara said I must attend kundi magtatampo ang mag-asawang Smith. Smith is a big client and a shareholder kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta as a representative of the company. So as his WIFE, when the HUSBAND is away the wife kuno will play. Ewan ko ba at nagpabudol ako sa linyang iyong letse kinakabahan tuloy ako ngayon. Kumakabog kabog ang puso ko ng sobra sobra para sabihing okay lang ako ngayon. This is out of my league. Ang sarap tumakbo mga beh!
Mas lalong lumakas ang tambol ng puso ko nang matanaw ko ang dagat ng mga tao. All is well except me I guess. Ako lang ang praning na mukhang tangang nakatayo mula sa malayo habang nakangiwi.
Ang timang ko tangina.
Kaya ko 'to. I cheer myself bago sinanay ang mukhang ngumiti ng walang halong ngiwi.
I walked in a smooth pace. May mga kumpulan ng mga kalalakihan at kababaihan na alam kong lahat sila ay mula sa angkang may ibubuga sa lipunan. Ako ata pulosyon lang dala ko dahil sa pagiging marites ko.
Nilibot ko ang tingin sa buong lugar. Wala man lang isa na pwede kong makausap, puro naman ito matatanda eh. May mga medyo kaidad ko pero mukha namang itsapuera lang alindog ko. Seraphine class.