Chapter 6

2.1K 53 1
                                    

TRUTH HURTS. Aware naman ako sa set-up na 'to pero hindi ko lang expect na masakit pala pag ang totoo na ang nalaman mo. Kapag narinig mismo ng dalawang tenga mo.

Masakit malaman ang totoo dahil kahit alam mong prepared ka, masasaktan at masasaktan ka parin dahil 'yon ang totoo.

Kinagat ko ang ibaba ng labi para pigilan ang sarili na maiyak sa sinabi niya.

Pambayad utang lang ang abot ng ganda ko?

Kinain ko na ang sinabi kong,  kahit ano pa ang dahilan ay matatanggap ko ito ng buong pag-una dahil 'yon naman ang totoo. Pero tangina! Ang sakit! Tagos hanggang buto.

"That's the truth." he added. Kalma lang ang boses niya pero mapanganib. Galit na galit talaga ito sa ama ko.

"Nasaan ba siya ngayon?" tanong ko kahit pakiramdam ko parang hinihiwa ang puso ko sa sakit. "Bakit kailangan ako ang ipangbayad niya sa'yo? Alam ba niyang ang sama sama ng ugali mo?"

Nakita kong nagdilim ang mukha niya sa sinabi ko. Talaga namang masama ugali niya, a? Hindi pa ba siya aware doon?

Ngumiti naman ito ng mala-demonyo. "Of course, he is."

Ang saklap talaga. Iniwanan na nga ako ng bayarin sa mga gagong shark loaner na 'yon, binenta pa ako sa lalaking 'to.

"You're aware that your father work as an assistant CFO, right?" 

"Pero matagal na 'yon," bakit kailangan pang ungkatin ang lahat ng 'to? "He quit years ago, so," tiningnan ko siya sa mata.  "Why now?"

Matagal ng nasisante sa trabaho ang ama kaya nga nagkandaletse letse ang buhay namin na nadagdagan pa noong pumanaw ang ina. Pero ano nanaman 'to? Panibago hanggang sa ako na ang pangbayad? Ang sama naman.

"Doesn't mean na kaya niyang tumakas sa akin habangbuhay?" he answered in a serious one.

"Pero---"

"May I remind you Ms. Mendez that your father owe me millions. He should be in jail years ago," he stared at me intently "Remember, you are the payment of his own debt... no... you are not worth it! Hindi ka pa sapat bilang kabayaran. So you will work under my supervision. Don't worry, you will be paid like other employees.

"Bakit mo pa ako pinakasalan?"

"Para wala kang kawala! You will not allowed to leave me. You will stay with me and don't try to escape because if you try, and I found you, you'll be dead meat."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Nasaan ang ama ko?" naiiyak kong sagot pero nilalakasan ko ang loob.

"He's in a right place now."

"What? Pinatay mo ang tatay ko?"

Wala na, finish na! Tumagaktak ang luha ko sa sinabi niya.

Wala na ang ama ko?

"It's---"

"Stop there!" tumayo ako saka siya hinarap. "Time out muna. Ang sakit na ng naririnig ko sa'yo. Isa isa lang pwedi?"

"But---"

Tumakbo ako sa taas at doon umiyak ng umiyak. Shit!

Ang sakit palang malaman na binenta ka ng sarili mong ama. Hindi, pinangbayad utang ka! Sobrang sakit.

Anak niya ako, sariling dugo't laman pero bakit? Bakit niya 'yon nagawa?

"Your father owe a lot to me na kahit buhay niya ay hindi sapat na pangbayad. All these years hinahanap ko siya, at nong nahanap ko na siya, he plead. He plead if his debt can be paid in exchange of her daughter." Rook said as if he's telling a not so heartbreaking story.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon