Chapter 5

2.2K 54 1
                                    

DATI, SABI KO SA SARILI, kahit masama ang ugali basta gwapo, pramis oks na oks na! Pero ngayon? Na prove ko sa sarili na kahit panget huwag lang masama ang ugali.

Paano ba naman, itong asawa ko daw, ang sama ng ugali sa akin. Ngayon na nga lang nagbalik pagkatapos ng pasabog nuya kahapon tapos ang sungit sungit pa!

Ang hirap pakiusapan, as in!

Hayyy..... Totoo pala. You should be careful what you wish for!

Ikatatlong araw ko na ngayon sa hospital at bukas pa daw ako idi-discharge. Kating kati na akong makalabas dahil pakiramdam ko kapag hindi pa ako makalabas dito ay baka mapanot na ako sa stress sa lalaking kasama.

"No." he answered.

I rolled my eyes at him.

"Susubuan mo lang naman ako. Arte nito."

"Still a no. You can eat by yourself."

"Bakit ba ang kitid ng utak mo?" Naiinis kong tanong. Gutom na ako nag-iinarte na pa 'tong ang gago kong hilaw na asawa. Oo asawa. Asawa ko. Gets niyo? Asawa!

Tiningnan niya ako ng masama.

"Sige na hindi naman mahirap. Asawa mo naman ako, kaya huwag ka ng maarte jan." inis na sabi ko.

"Bakit hindi ka nalang kasi kumain mag-isa? Umaarte pa!"

"Ikaw kaya baldaduhin ko ng makita mo? Tapos gutom na gutom ka na at ayaw kitang subuan? What would you feel?"

"That's nonsense."

Naiiling akong napasandal sa higaan. Nakaupo na kasi ako ngayon. Lumivel up!

"Sige na.." pagsuyo ko pa. Gutom na kasi talaga ako. Ang hirap namang kumain mag-isa dahil hindi ko maiangat ang mga braso ko. "Akala mo naman gustong gusto kong magpasubo sa'yo? Hoy! Kung pwedi ko lang iangat 'to hindi na sana kita pinipilit." naiisis kong sabi.

"Ganon naman pala. Go eat by yourself." walang gana niyang sabi at kumain ng saging na kanina pa niya hawak.

Buwisit talaga sa buhay 'tong lalaking 'to!

Bumukas ang pinto at isang lalaking nakaputi ang iniluwa nun. Matangkad ito at may itsura. Basi sa suot niya mukhang nurse ito.

"Ma'am, iche-check ko lang po ang bp niyo." Nakangiti niyang sabi.

Nakita kong mas sumimangot pa si Siege kaya napangiti ako.

Akala niya ha? Kung ayaw niya edi huwag! Hindi ako mapilit na tao.

Lumapit sa akin ang nurse saki tiningnan ang bp ko.

"Uhmmm. Nurse pwede favor?" Napalingon sa akin ang lalaking nurse at nakangiting tumango.

"140-80 po ma'am. Relax lang po kayo ma'am para maging normal dugo niyo." Nakangiting sabi ng nurse. "May mga nararamdaman pa bo kayong masakit ngayon?" he asked.

Kitams? Tumataas ang dugo sa lalaking 'to?

Guminhawa ako ng maluwag. "Okay" ngumiti ako sa nurse. "Wala naman akong ibang nararamdaman. Pero masakit ang tiyan ko." I said pero nakangiti parin ako. Nakita ko sa gilid ng mata ang reaksyon ni Rook sa sinabi ko.

Baka akala niya ha! May tinatago rin naman akong kalandian no.

Bigalang naging concern ang mukha ng lalaki na ikinangiti ko. "Ganon po ba, sandali po at ikukuha ko kayo ng gamot." akmang tatalikod ang lalaki ng pigilan ko ito.

Napatingin naman sa akin ito.

"Fck!" Rook curse.

"You see, pagkain lang ang gamot dito. Hindi ko naman kayang kumain ng mag-isa kaya maari mo ba akong subuan?" I asked.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon