WHEN HE ASKED me if he was late, I perfectly understand what he really meant. I clearly heard what he say pero hindi ko maintindihan. Bakit niya tinatanong kung nahuli na ba siya? Why? Hindi ko siya ma-gets. Why would he asked me if he's late when he has someone in his heart? Ano 'to pagkatapos niya sa Paris niya ako nanaman because surely he'll gonna miss that Amy girl? And what am I? A rebound who's waiting for his return tapos ano? Iiyak nanaman. Gago pala siya, eh.
Napakagago niya. Ano siya KPOP na inaabangan ang comeback? At anong aasahan niya after niyang hindi magparamdam ng ilang buwan babalik siya asking me if he was late? Bakit kung sabihin ko bang oo may mangyayari ba? Kaya tama lang na sabihin ko iyon sa kanya. Nakakagago ang sagot ko pero bagay iyon sa katulad niyang gago.
Patuloy lang ang buhay kahit hindi na ako okay sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi parang lalagnatin ako ng hindi. Uminom na ako kanina ng gamot at salamat at medyo okay na ako ngayon. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakasulpot-sulpot ni Rook kung saan saan. Kailan ba siya nagkaroon ng lahi ng mga kabuti?
"Hindi ba mainit dito?" Parang tangang tanong ni Rook habang pinagmamasdan ang buong paligid.
Nilingon ko si Mica na katabi ko nang magpunas ito ng pawis. My brows creased at the sight of her. Lahat ng rooms ng building na 'to ay may aircon kaya paanong nagpapawis ang lahat?
Pasimple kong pinalibot ang mata at nakita kong tutok na tutok ang lahat sa monitor at kung ano pang gawain. Gusto ko na lang matawa pero parang ang oa nun if ever. We are under pressure kaya nagtatanong pa siya kung bakit mainit. Paanong hindi pagpapawisan ang lahat kung nasa gilid gilid lang ang boss na mukhang tangang nagsasalita kahit wala na sa linya?
Kung ano anu-ano napapansin? Kailan pa siya naging inspector ng kompanya?
Ibabalik ko na sana ang mata sa ginagawa nang makitang sa akin nakatitig ang buong mata ni Rook. Hindi ko alam kung napapansin nila pero kinabahan ako. Kumurap kurap ako sabay peke ng ubo.
Tangina niya bakit ba siya nakatingin? Kanina pa iyan ha. Kanina pa iyan pabalik balik dito at kung anu-ano tinatanong. Hindi ba niya napapansin na mukha siyang tanga? Nagtataka na iyong mga ka-officemate ko pero pinipigil nila eh sempre boss iyan. Makick out ka pa problema pa.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ng chief namin. Aligaga ito sabay turo sa opisina nito if gustong mag-stay doon ng boss.
"I am fine here." Wika ni Rook na ikinalunok ng chief namin. Kita mo under ka rin. Ngisi ko.
Agad na nawala ang ngisi ko nang kalabitin ako ni Mica sa gilid.
"Girl, kita mo daliri niya may singsing." Bulong niya. Mas mabilis pa sa alas kwatrong lumanding ang mata ko sa kamay niya ay tama si Mica, may singsing nga. "Mukhang engage na nga talaga sila." Kinikilig niya pang dagdag.
Napasimangot ako. Gago siya. Yumuko at pinagpatuloy ang ginagawa. Narinig ko na lang ang patagong hagikhikan ni Mica at Din. Mukhang nai-share nanaman ng gaga.
"Ano gurl natauhan ka na niyan." Kalabit sa akin ni Mica.
Minsan ayaw ko rin itong katabi si Mica. Ang tsismosa eh, nakakasakit pa naman chismis niya.
"Matagal na." Bulong ko pabalik.
Pinilit kong e-focus ang atensyon sa trabaho pero nagagago ako sa naiisip. Umiling iling ako. Mawala ka please!
Narinig kong dumating si Lara nang kausapin niya ang boss.
"Sir, narito na po." Si Lara na hingal dahil mukhang minadali nanaman ng boss. Naku naku absent nanaman siguro sa GMRC.
Tinaas ko ang tingin sa dalawa at may bitbit itong coffee mula sa starbucks kasama ang dalawa pang lalaki.
"Distribute." He said pagkatapos kumuha ng isa.